^

PM Sports

PLDT nagdagdag pa ng puwersa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdagdag pa ng puwersa ang PLDT Home Fibr nang kunin ng team sina middle blocker Dell Palomata at outside hitter Jovielyn Prado para sa nalalapit na pagbubukas ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) season.

Parehong miyembro sina Palomata at Prado ng Sta. Lucia Lady Realtors na kamakailan lamang ay nagpasyang mag-leave of absence sa liga.

Kaya naman dadalhin nina Palomata at Prado ang kanilang talento sa High Speed Hitters na kasalukuyang nasa rebuilding process, mula sa coaching staff hanggang sa lineup nito.

Hahawakan ang High Speed Hitters ni head coach George Pascua na isa sa mga naging coaches ni Palomata sa Choco Mucho sa 2021 Asian Wo-men’s Club Volleyball Championship.

“Sumali ako sa PLDT dahil sa coaches. Naging coach ko si Coach George sa national team tapos si Coach Raffy Mosuela kasama ko na sa Air Force kaya mas pinili ko ‘yung PLDT. Malaking bagay ‘yun para mas ma-enhance pa ‘yung talent,” ani Palomata.

Umaasa sina Palomata at Prado na makakatulong sila sa nalalapit na pagkampanya ng High Speed Hitters sa PVL Open Conference na target masimulan sa Pebrero 16.

“Malaking bagay kasi na naging kasama ko rin si Jovy sa Sta. Lucia. Iba ‘yung ipinakita namin sa Sta. Lucia last conference,” anang 6-foot-3 middle blocker.

Makakasama nina Palomata at Prado ang mga kapwa baguhang sina Kath Arado, Jessey De Leon at Mean Mendrez gayundin sina holdovers Rhea Dimaculangan, Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray.

 

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with