^

PM Sports

Memphis umukit ng bagong NBA record

Pang-masa
Memphis umukit ng bagong NBA record

MEMPHIS, Tenn. — Binasag ng Grizzlies ang NBA record para sa pinakamalaking winning margin matapos ilampaso ang Oklahoma City Thunder, 152-79, kung saan siyam na players nila ang nagtala ng double figures.

Umiskor si Jaren Jackson Jr. ng 27 points para banderahan ang Memphis (12-10) na naglaro na wala si injured star guard Ja Morant.

Ang nasabing 73-point margin ng Grizzlies ang sumapaw sa 68-point win ng Cleveland Cavaliers kontra sa Miami Heat, 148-80, noong Disyembre 17, 1991.

Sa halftime pa lang ay nagtayo na ang Memphis ng 72-36 bentahe bago ibaon ang Oklahoma City (6-16) ng 78 points.

Sa Phoenix, nagtala sina Cam Johnson at Ca­meron Payne ng tig-19 points sa 114-103 pagtunaw ng Suns (19-3) sa Detroit Pistons at ilista ang franchise-record na 18 sunod na panalo.

Hawak ngayon ng Phoenix ang NBA best record at ang liderato sa Western Conference kasunod ang Golden State Warriors (18-3).

Sa Toronto, humugot si Fred VanVleet ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter at sinamantala ng Raptors (10-13) ang hindi paglalaro ni Giannis Antetokounmpo (sore right calf) ng nagdedepensang Milwaukee Bucks (14-9) para kunin ang 97-93 panalo..

Sa New York, kumamada si DeMar DeRozan ng 34 points at nag-ambag sina Zach LaVine at Nikola Vucevic ng tig-27 markers sa 119-115 pagsuwag ng Chicago Bulls (15-8) sa Knicks (11-11).

Sa Portland, nagsu­mite si Dejounte Murray ng 15 points, 13 assists at 7 boards para igiya ang San Antonio Spurs (7-13) sa 114-83 panalo sa Trail Blazers (11-12).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with