^

PM Sports

Live audience sa PBA puwede na?

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kanyang pakiki-pag-usap sa mga pinuno ng Local Government Units (LGUs) ay umaasa si PBA Commissioner Willie Marcial na mapapayagan silang magkaroon ng live audience para sa 2021 Governor’s Cup.

Simula nang pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay walang mga fans na pinayagang makanood sa nakaraang 2020 at 2021 PBA Philippine Cup sa full bubble sa Clark at semi-bubble sa Bacolor, Pampanga, ayon sa pagkakasunod.

“Kasalukuyan tayong nakikipag-usap sa mga LGUs at tayo ay umaasa na mapagbibigyan ang ating kahilingan na pahintulutang makapasok at makapanood ang ating mga fans ng laro,” ani Marcial.

Nakatakdang maki-pag-usap bukas si Marcial sa LGU ng Pasay City sa hangaring hikayatin ang pamunuan ng nasabing lungsod na payagan silang magkaroon ng live audience sa MOA Arena.

Binigyan na ng greenlight ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang PBA para isagawa ang torneong magtatampok sa mga imports na may height limit na 6-foot-6.

Iniurong ng PBA ang 2021 Governor’s Cup sa Disyembre 8 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kung saan wala pa ring mga fans na makakapanood sa venue sa unang dalawang playdates.

Maliban sa MOA Arena, target din ng PBA na muling makapaglaro sa Smart Araneta Coliseum (Quezon City), Ynares Sports Center (Antipolo City) at sa Filoil Flying V Arena (San Juan City).

Mapapanood sa 2021 PBA Governor’s Cup sina imports Justine Brownlee (Barangay Ginebra), KJ McDaniels ( NLEX), Olu Ashaolu (Alaska), McKenzie Moore (TNT Tropang Giga), Paul Harris (Phoenix), Brandon Brown (San Miguel), Cameron Forte (NorthPort), Antonio Hester (Terrafirma), Henry Walker (Rain or Shine), Tony Bishop (Meralco), Jaylen Bond (Blackwater) at Mike Harris (Magnolia).

Ang Gin Kings ang magtatanggol ng titulo sa komperensyang ito.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with