^

PM Sports

7-sunod na ratsada ng Warriors

Pang-masa
7-sunod na ratsada ng Warriors

MANILA, Philippines — Dumiretso ang NBA-leading Golden State Warriors sa kanilang pang-pitong sunod na ratsada, habang naging kalmado naman ang rematch ng Los Angeles Lakers at Detroit Pistons.

Sa Los Angeles, umiskor si Stephen Curry ng 11 sa kanyang 33 points sa fourth period para banderahan ang Warriors sa 105-90 paggiba sa Clippers at patuloy na pangunahan ang NBA season sa kanilang 18-2 record.

Humataw si Curry dahil sa galit matapos matawagan ng technical foul sa 9:08 minuto ng final canto kung saan bitbit nila ang 79-70 abante laban sa Clippers (11-9).

Sa inilunsad na 21-7 atake ay tatlong three-point shots ang isinalpak ni Curry para pamunuan ang ratsada ng Golden State.

Tumipa si Paul George ng 30 points sa panig ng Los Angeles kasunod ang tig-13 markers nina Eric Bledsoe at Marcus Morris.

Samantala, kumamada si LeBron James ng 33 points at 9 assists sa 110-106 paglusot ng Lakers (11-11) sa Pistons (4-16).

Matatandaang tinangka ni Detroit center Isaiah Stewart na sugurin si James matapos siyang bigwasan sa mukha ng NBA superstar sa isang rebound play noong nakaraang linggo.

Ilang beses binuska ng mga Lakers fans ang 20-anyos na si Stewart, matanda ng 3 1/2 taon sa panganay ni James na si Bronny, sa tuwing hahawakan ang bola.

Sa Indianapolis, nagposte si Giannis Anteto-kounmpo ng 26 points at 13 rebounds para igiya ang nagdedepensang Milwaukee Bucks (13-8) sa 118-100 panalo sa India- na Pacers (9-13).

 

vuukle comment

GOLDEN STATE WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with