^

PM Sports

Yulo target uli ang gold sa World Championships

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang itaya ni national gymnast Caloy Yulo ang kanyang titulo sa men’s floor exercise sa finals ng paborito niyang event sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu, Japan.

Sasalang ang 21-anyos na si Yulo, tubong Leveriza, Manila na nabigong makakuha ng medalya sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan noong Hulyo, kasama ang pito pang finalists ngayong alas-3 ng hapon (Manila time).

Binanderahan ni Yulo ang qualifying sa itinalang 15.166 points para sa tangkang ikalawang sunod na gold medal sa world championships matapos maghari noong 2019 edition sa Stuttgart, Germany kung saan niya nasikwat ang Olympic ticket sa Tokyo.

Makakaagawan ni Yulo para sa gold medal sa Kitakyushu meet ang mga palaban ding sina Ita-lian Nicola Bartolini at Japanese Minami Kazuki.

Bukod sa floor exercise ay umabante rin si Yulo sa finals ng parallel bars at vault events na lalaruin naman bukas.

Umiskor si Yulo ng 15.566 sa parallel bars at pumangatlo sa vault sa kanyang 14.733 at 14.833 para sa average na 14.808.

vuukle comment

CALOY YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with