^

PM Sports

Standhardinger, Sangalang lalaro sa Japan B.League?

Chris Co - Pang-masa
Standhardinger, Sangalang lalaro sa Japan B.League?
Christian Standhardinger at Ian Sangalang.

MANILA, Philippines — Usap-usapan na ang pangalan nina Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra at Ian Sangalang ng Magnolia Hotshots na mga nililigawan ng ilang Japan B.League teams.

Kalat na sa social media na nakikipag-ugnayan na ang ilang Japanese basketball teams para makuha ang serbisyo ng dalawang matikas na slotman.

Nakatakdang matapos ang kontrata ni Standhardinger sa Gin Kings sa Disyembre kaya wala nang magiging problema para sa Filipino-American cager kung lilipat ito sa Japan B.League, maliban na lamang kung bibigyan ito ng magandang bagong kontrata ng Barangay Ginebra.

Isang foreign-based agent ang humahawak kay Standhardinger kaya mabilis itong makausap ng sinumang teams na nagnanais kumuha sa serbisyo niya.

Napaulat na triple ng suweldo niya sa PBA ang  offer ng isang Japanese team kay Standhardinger.

Sa kabilang banda, matatapos na rin ang kontrata ni Sangalang sa Hotshots kaya puwedeng-puwede rin itong tumanggap ng trabaho sa Japan.

Wala pa namang pormal na kumpirmasyon sina Standhardinger at Sangalang.

Isa pang tinututukan ng ilang Japanese teams si Troy Rosario ng Tropang Giga subalit napigilan ito matapos pumirma si Rosario ng three-year deal sa TNT.

Sa kasalukuyan, may walong Pinoy cagers na ang nasa Japan.

Ito ay sina Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Kobe Paras (Niigata Albirex BB), Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots) at Kemark Carino (Aomori Wat’s) at Dwight Ramos na lumipad na pa-Japan kahapon upang samahan ang Toyama Grouses sa B. League Division I matapos magdesisyong tumuloy na sa professional basketball.

 

vuukle comment

CHRISTIAN STANDHARDINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with