^

PM Sports

Meralco lumapit sa twice-to-beat

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco lumapit sa twice-to-beat

MANILA, Philippines — Lumapit ang Meralco sa inaasam na No. 2 slot para sa twice-to-beat incentive sa quarterfinals matapos gibain ang talsik na sa kontensiyon na Blackwater, 104-97, sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Bolts ang nagangat ng kanilang record sa 7-2 sa ilalim ng No. 1 team  na TNT Tropang Giga, kasalukuyang lumalaban sa Alaska, habang sinusulat ang balitang ito.

Ang top two teams matapos ang eliminations ang  may ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 8 at 7 squads, ayon sa pagkakasunod, habang magtutuos sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at No. 4 kontra sa No. 5.

Kumamada si Allein Maliksi ng 21 points kasama ang tatlong triples para pamunuan ang Bolts na nalampasan ang pagbangon ng Blackwater, nalasap ang ika-11 sunod na kamalasan.

Ang kabiguan ng Blackwater, nabaon sa 29-point deficit, ay pang 19-sunod nilang talo-- bagong PBA record na bumura sa 0-18 baraha ng Great Taste/Presto franchise noong 1980.

“We seemed to be very focused in the first half and Blackwater was also very focused in the second half,” sabi ni Bolts coach Norman Black sa pagdikit ng Bossing sa 97-103 agwat sa huling 1:10 minuto ng final canto.

Nauna nang itinayo ng Meralco ang 75-46 kalama-ngan  sa split ni Raymond Almazan sa 6:55 minuto ng third quarter  na naibaba ng Blackwater sa five-points.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with