Bagunas, Espejo mami-miss sa AVC Asian Men’s Club C’ships
MANILA, Philippines — Wala sa line-up ng Philippine men’s national team sina Pinoy stars Bryan Bagunas at Marck Espejo sa paghataw sa AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Thailand sa susunod na buwan.
Ayon kay national coach Dante Alinsunurin, sabay ang iskedyul ng nasabing torneo sa pag-lalaro nina Bagunas at Espejo para sa Oita Miyoshi Weisse Adler at FC Tokyo, ayon sa pagkakasunod, sa Japanese V.League.
Nakatakda ang AVC event sa Oktubre 8-15 sa Nakhon Ratchasima, Thailand, habang magsisimula ang Japan V.League sa Oktubre 15.
“Hindi po sila makakasali (sa Asian club championship) dahil sa situation na nagsabay po iyong competition between Asian Club and iyong liga nila po sa Japan,” wika ni Alinsunurin.
Bagama’t hindi makakalaro sina Bagunas at Espejo ay kumpiyansa si Alinsunurin sa komposis-yon ng kanyang tropang dadalhin ang Rebisco brand na babanderahan nina John Vic de Guzman, Jessie Lopez, Francis Saura, Josh Retamar, Jao Umandal, Ricky Marcos, JP Bugaoan at Ysay Marasigan.
- Latest