^

Punto Mo

EDITORYAL - Ingatan ang ­bakuna para di-­masayang

Pang-masa
EDITORYAL - Ingatan ang ­bakuna para di-­masayang


BAGO makarating ang mga bakuna sa bansa, marami itong pinagdadaanang proseso. Hindi basta dadamputin na lamang ang mga ito sa manufacturer at saka ipapadala rito. Hindi ito katulad ng ibang kargamento na bara-bara ang pagpapadala at walang ingat. Napakaingat nang pagta-transport ng bakuna mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) patungo sa mga recipient na bansa. Sinisiguro na maayos na makararating at hindi masisira. Pagdating sa airport, maingat na ibababa sa eroplano at sinisigurong nasa maayos na kondisyon bago ibiyahe sa storage facility sa Muntinlupa City at Marikina City.

Pero sa kabila ng pag-iingat, mayroon ding nasasayang sa mga bakuna. Kasalanan na ng mga local government units (LGUs) na tumanggap ng mga bakuna. Nakakadismaya na kung gaano kaingat ang mga nag-manufacture at maging ang COVAX facility, kabaliktaran naman ng mga tumanggap na LGUs. Hindi pinag-iingatan at hinahayaang masira ang binayarang bakuna. Napakatagal hinintay ang pagdating ng mga bakuna at sa dakong huli, masasayang din pala.

Inamin ng Department of Health (DOH) na 12,970 doses ng bakuna ang nasayang mula nang magsimula ang kampanya. Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kadalasang ang kamalian sa paghawak sa bakuna kapag dinala na sa iba’t ibang bahaging ng bansa ang dahilan kaya nasasayang. May nasayang dahil sa maling temperature, kawalan ng labels at mayroong nasunog. Ayon kay Vergeire, nagkaroon ng sunog sa Ilocos Norte at nadamay ang mga bakuna.

Noong nakaraang buwan, may mga nasayang na bakuna sa storage facility sa Muntinlupa dahil sa temperature excursion. Mayroon ding nasayang sa South Cotabato dahil inalis ng isang empleado ang pagkakasaksak ng refrigerator na may mga vaccine.

Marami pa ang hindi nababakunahan. Marami ang gustong magpabakuna pero dahil kapos sa suplay hindi sila mabakunahan. Ngayon ay saka mababalita na maraming nasasayang na bakuna. Habang marami ang nangangarap mabakunahan, mayroong napapanis lamang dahil sa kagagawan ng mga hindi marunong mag-ingat. Pangalagaan sana ang mga bakuna upang hindi masayang.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with