^

Pang Movies

LOL at Showtime, tuloy ang ‘sanib-pwersa’!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
LOL at Showtime, tuloy ang �sanib-pwersa�!             

Napag-usapan kung bakit daw isusuko na ng ABS-CBN ang isa sa mga flagship shows nila, ang It’s Showtime, na ang star ay ang ipinagmamalaki nilang si Vice Ganda, at noon ay diretsahan nilang inilalaban sa longest running noontime show, ang Eat Bulaga, pera ngayon ay maka-back to back na lang ng Lunch Out Loud (LOL) na siya namang noontime show ng TV5.

Ang isa pang usapan, napapanood iyon sa Zoe TV sa ilalim ng kanilang blocktime agreement, so puwede kaya ‘yun?

Maaalalang inamin ni direk Bobet Vidanes na kaya siya umalis sa Showtime at lumipat nga sa LOL ay dahil toxic na para sa kanya ang environment sa show.

Eh ngayong makaka-back to back niya, papaano nga ba?

Ang ABS-CBN naman, tiyak na ok sa kanila ang lahat dahil mas lalawak ang kanilang audience kung nasa TV5 nga sila. Mas marami nga kasi iyong relay stations kaysa sa Zoe.

Kung sabagay, hindi nila puwedeng patayin ang Showtime dahil sa kanilang cable channel, at follo­wers sa internet, pero kailangan na nila ng additional free TV outlet para masuportahan ang malaking gastos noon.

Pero ang isa pang ipinagtataka namin, bakit kaya ang mga militanteng grupo na bumubuo ng Makabayan bloc sa House of Representatives ang mabilis na nagpanukalang bigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN? Ang Makabayan bloc ay isang maliit na grupo sa minorya na binubuo ng mga partylist.

At sa senado, walang maaaring makasangga iyan kundi si Risa Hontiveros.

Dating model/actor, tumanda ang hitsura sa depresyon

Matinding depression na raw ang tumama sa isang dating model-male star dahil simula noong magkaroon ng pandemya, hindi na nakaba­ngon ang kanyang career.

Bumagsak din ang kanyang naitayo noong negosyo. Dahil doon lalo siyang nagmukhang matanda na at nagsisimula na raw na malugas ang kanyang buhok.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with