^

Pang Movies

Alden, bawal ibunyag ang ginagawang diet

Gorgy Rula - Pang-masa
Alden, bawal ibunyag ang ginagawang diet
Alden

MANILA, Philippines — Nag-adjust na naman si Alden Ri­chards ng katawan niya para bumagay sa ginagawa niyang drama series na Start-Up Ph.

Payat ang Korean actors sa mga K-drama, ang liit ng baywang, at flat na flat ang abs.

Ganundin yata ang ginagawa ngayon ni Alden. Kaya ang daming natuwa sa napakapayat niyang katawan nang ipinost niya sa social media accounts niya.

Para sa Mega Man ang pictorial niyang ‘yun.

Itinuluy-tuloy ni Alden ang pagpapayat magmula nang ginawa niya ang The World Between Us. Nag-iba siya ng lifestyle.

Hindi lang puwedeng ma-share kung ano ang ginawa niyang diet at baka mag-react pa ang ibang produktong ine-endorse niya.

Pero mas payat pa siya ngayon na ang dami na ngang nakapansin.

Kaya nakakabilib ang kanyang disiplina sa katawan, kaya ang caption niya sa post niyang ‘yun ay, “Sometimes, it takes a lot of courage believing in yourself. But it’s always worth it to keep trying. To keep on learning, and to keep going.”

Rabbit farming, palalakasin nina Reps. Lani at Goma

Marami na palang nagsisimula ng rabbit farming, lalo na ngayong ang mahal na ng mga bilihin sa palengke. Kaya ang ibang project na sinimulan na sa ilang LGUs ay itong pag-aalaga ng rabbit at pagluto ng kanilang karne.

Napaka-healthy pa raw nito at madagdagan ang choices ng mga karneng ihahain sa hapag-kainan, lalo na’t tumataas pa ang presyo ng karne ng baboy, manok at baka.

Naikuwento sa amin ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla na sisimulan na raw nila sa Bacoor ang rabbit farming. Nakita raw niya ito sa kanilang Urban and Ornamental exhibit sa isang mall sa Bacoor, nung ipinagdiwang nila ang 10th anniversary ng Cityhood ng Bacoor nung nakaraang linggo.

Doon daw sa kanilang exhibit nakita niya ang isang livelihood na pag-aalaga ng rabbit. “Puwede tayong mag-raise sa backyard natin. Puwedeng padamihin, mabilis silang mag-produce e,” pakli ng representative ng lone district of Bacoor.

“Natikman ko ang meat ng rabbit, para siyang manok at saka good source of protein siya at saka walang cholesterol ito. Although, ang cute ng mga rabbit.

“So, tina-try na po namin ang rabbit farming. Madali pang alagaan, at ang kinakain nila damo lang at saka dayami. Very interesting ito,” dagdag na pahayag ni Cong. Lani.

Naikuwento din sa amin ni Cong. Richard Gomez na sinimulan na rin daw nila sa Ormoc ang rabbit farming. “Kami, ginagawa na namin sa Ormoc ‘yung rabbit farming. In fact, the reason why I have rabbits, I tried rabbit meat, masarap,” bulalas ni Cong. Goma.

Meron nga raw siyang alagang siyam na rabbit at nabanggit daw niya kay Mayor Lucy na susubukan niyang magluto ng rabbit. “Nung nag-alaga ako ng rabbit…I am going to cook the rabbit. Nung nakita niya (Lucy), ‘huwag mo nang galawin, kawawa naman,” natatawang kuwento sa amin ng kongresista ng 4th district ng Leyte.

Itong rabbit farming nga raw ang isa sa gusto niyang ituloy na livelihood sa Ormoc City.

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with