^

Pang Movies

Marian, nakipaghiwalay sa dating endorsement

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Iba na pala ang shampoo na ini-endorse ni Marian Rivera. Gaya sa ibang endorsement ni Marian, tiyak na magkiklik din ang bago niyang shampoo and conditioner kapag bumili ang 26M followers niya sa Facebook at 12M followers sa Instagram.

Nangako ang fans ni Marian na susundan siya at bibilhin anuman ang i-endorse niya bilang pagpapakita nila ng suporta at pagmamahal kay Marian.

Kahapon ang launching ni Marian sa new endorsement niya via Instagram and Facebook Live.

Speaking of Marian and Dingdong Dantes na rin, natuwa tiyak ang mag-asawa dahil pinanood at sinuportahan ang sitcom nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa. 

Matapos ang urutan sa kampanya... Pokwang at Andrew E., nagrespetuhan sa Bora

Nakatutuwa naman, nagkita sa Boracay ang Kakampink na si Pokwang at ang maka-UniTeam na si Andrew E. Masaya ang kanilang pagkikita at nagpakuha pa ng litrato na magkasama.

Tama ang caption ni Pokwang na “Sa bandang huli, respect. Dito sa Two Seasons Hotel & Resorts  naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya.”

Natuwa rin ang netizens sa nakita nilang okay sina Pokwang at Andrew E. at sana raw, gayahin sina Pokwang at Andrew E., lalo na ng mga nagbabangayan pa rin hanggang ngayon.

Anyway, gustong malaman ng mga nakabasa sa tweet ni Pokwang na sinisingil ng utang ang mga kamag-anak at kaibigan niyang nangutang sa kanya na ibinoto si BBM.  May mga nagbayad na kaya sa mga siningil niya?

Tom hindi na hinahanap... Carla, ginawang pantanggal stress ang paggawa ng sabon

Ang galing naman ni Carla Abellana, marunong gumawa ng sabon at pinost nito sa Instagram ang mga gawa niyang sabon. Hobby na raw ito ng aktres at sa ganda ng mga sabon, may nag-akalang cake ‘yun.

“Soap making has been a hobby of mine for over 2 years now. From attending basic and advance classes (missing these), to learning how to spot dangerous chemical ingredients in commercial soap and other household products we use everyday. Soap making is science + art. And in my opinion, it’s also therapeutic +anxiety inducing. Other soap makers would relate.”

Wala nang naghahanap kay Tom Rodriguez sa followers ni Carla sa IG at mukhang nasanay na rin ang aktres na mag-isa siya at walang nababasang nagtatanong kung nasaan si Tom at kung magkakaayos pa ba sila.

Nakakapanghinayang ang nagyari kina Carla at Tom, very much in love, bagay sa lahat ng aspeto. Pero, sa isang iglap, nabago ang takbo ng istorya at kanya-kanya na sila ng buhay.

Rayver at Julie anne, nakantyawan!

Biniro at kinantyawan si Rayver Cruz sa birthday greetings niya kay Julie Anne San Jose na “Happiest birthday to the one and only Asia’s Limitless Star and my everyday inspiration @myjaps.”

Sumagot si Julie sa post ni Rayver ng “Thank you @rayvercruz, ilykyk” na ang ibig sabihin daw ay “I love you know you know.”

Sa birthday party ni Julie noong May 16, inamin na ni Rayver na nanliligaw siya sa singer-actress at willing daw siyang maghintay kung kailan siya sasagutin. Hindi siya nagmamadali and he’s giving Julie all the time to know him more siguro.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with