^

Pang Movies

Sanya, tuhog sa trabaho ang bagong taon!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naging very busy pala si Kapuso actress Sanya Lopez bago ang Christmas 2021 dahil magkasunod siyang nag-lock-in taping ng dalawang GMA Primetime series na ipalalabas early 2022. 

Nauna niyang tinapos ang character niyang si Maya sa first book ng fantasy-action series na Agimat ng Agila with Sen. Bong Revilla, bago siya pinalitan ng bagong leading lady nito,  si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Mapapanood na ang pagbabalik ng Agimat ng Agila simula sa January 29, and every Saturday, 7:15PM sa GMA -7.

Sumunod na pumasok si Sanya sa lock-in taping naman ng First Lady. 

Masaya si Sanya nang muli silang magkita-kita ng buong cast: “Hindi pa rin nawala ang mga kulitan namin kapag magkakasama sa eksena, no dull moments with the cast and even with the production staff.  Ang saya-saya nilang kasama. So lucky to be part of thgis show,” kuwento ni Sanya sa Instagram live ng show

World premiere naman nila on Valentine’s Day, February 14 sa GMA Telebabad.

Dingdong, matagal hinintay ang dual role

Patuloy na nagti-trending gabi-gabi ang I Can See You: AlterNate ni Dingdong Dantes, playing a dual role. Puring-puri si Dingdong sa roles niya bilang ang mabait na si Nate at ang kakambal niyang si Michael, na mabait din pero nakatago ang kasamaan dahil lumaki siyang walang nakilalang ama.

“Ito ang isang role na matagal ko nang hinihintay,” Instagram post ni Dingdong.  “Portraying two characters in one narrative who would appear as twins is no easy task, but having brilliant actors in this journey with you makes the job more fun and doable.”

Nagpasalamat din si Dingdong sa new leading lady niya, si Beauty Gonzalez dahil sa mahusay na pagganap nito as Sheila.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with