^

Pang Movies

Darna vs. Wonder Woman Marian, excited makilala si Gal Gadot sa Miss Universe

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Nakalatag na ang mga gagawin ni Marian Rivera sa Eliat, Israel, bilang isa sa judges sa gaganaping Miss Universe 2021 sa December 12, (December 13 sa Pilipinas).

Pero ayaw niyang idetalye kung anu-ano ang mga ‘yun. “Dun sa mga specific na gagawin ko hindi ko alam kung pwedeng sabihin pero pagdating na pagdating namin dun hanggang sa mismong araw ng pageant na iyon, marami kaming gagawin. So maraming nakalaan na gagawin namin. Kaya hindi ko alam kung makakasingit pa ako kung ano magagawa pero yung the whole time na nandun ako, sa kanila lang ako,” pahayag ni Marian kahapon nang humarap sa entertainment media sa interview na ipinatawag ng GMA 7.

Itinuturing niya itong napakalaking karangalan lalo na nga at ang daming excited na as if siya ang kandidata ng bansa.

Hindi niya naisip na tanggihan ang pagkakataong ito lalo na nga at sinasabing may kaso ng omicron variant sa Israel. “To be honest, syempre naisip ko minsan lang to dumating eh so bakit ‘di ko siya tatanggapin at para sa akin isang malaking karangalan ito. Ngayon kung tatanungin mo sa akin kung mahirap para sa akin na iwan ang mga anak ko, of course mahirap pero naniniwala ako balang araw maiintindihan nila ang kahalagahan ng sakripisyong ito na gagawin ko,” paliwanag niya.

Sa December 6 siya nakatakdang lumipad pa-Israel kasama ang kanyang team.

At kasama sa nagpapa-excite sa pagpunta niya sa Miss Universe 2021, ang makilala ng personal si Wonder Woman : “Gusto ko lang talaga, look forward na ma-appreciate o masaksihan sila pero on my side gusto ko talagang makilala at alam mo yun makita si Gal Gadot, sana mabigyan ako ng chance,” sabi pa ng actress.

At kung maraming Pinoy ang excited sa pagiging hurado niya, all out naman ang suporta sa kanya ng mister na si Dingdong Dantes na ngayong araw ang uwi mula sa lock-in taping. “Sobrang supportive ng asawa ko actually nung tinawagan ako nila Coach (Direk Mike Tuviera of Triple A), si Dong agad ‘yung una kong tinawagan tapos sabi nung asawa ko “wow” and sabi niya ‘nakakaproud naman.’”

Hindi rin daw siya nito pinigilan na umalis. “Sabi niya ‘you have to go there.’ So ganun agad yung sinabi niya sa akin.”

Siyam na maleta ang malamang na dalhin niya dahil sa mga kailangang outfit. “Hanggang sa night ng pageant as in dire-diretso talaga ang schedule ko pagdating doon.”

Pero hindi naman daw lahat gowns ang dala niya. “May mga cocktail din, may gowns so iba-iba.”

Angel pinagtanggol din...

Mga nagbibintang na nakaw angalahas ni Kris, binantaang kakasuhan!

“She can afford to buy her own jewelry with her hard earned money. thank you so much,” comment ni Angel Locsin sa statement ni former Chief (Sundan sa phina 6)

Justice Maria Lourdes Sereno na maaring kasuhan ang mga nag-aakusang diumano’y may mga alahas si Kris na pag-aari ni Imelda Marcos.

Kumakalat nga uli kasi ito lately. Actually, lumang issue na ito pero nabuhay sa social media.

“Criminal case na po ang maaaring harapin niyo sa pagbibintang na ginamit ni Kris Aquino ang alahas ni Imelda na ayon sa Supreme Court ay galing sa NAKAW NA YAMAN. Bangko Sentral ng Pilipinas at PCGG na po ang nagsabing imposible ito. Simula ngayon, kukuhanan na namin ng screenshots ang lahat ng magko-comment ng ganito, pati ang profile details niyo, at ipadadala sa Bangko Sentral, sa PCGG, at sa sinisiraan niyong tao. Dalawang government institutions po at isang individual ang sinisiraan niyo. Paano po niyo sinisiraan ang PCGG at Bangko Sentral? Dahil po sa ilalim ng batas, hindi nila maaaring galawin at ipagamit sa maling paraan ang mga assets na ipinagkatiwala sa kanila, gaya ng mga alahas na nasamsam na ill-gotten wealth. In effect, inaakusahan niyo ang PCGG at Bangko Sentral ng paglabag sa batas.

“Dati po ay dinadaan lang natin sa paliwanag na walang basehan ang akusasyon nila kay Kris Aquino, Bangko Sentral ng Pilipinas, at sa PCGG. Ngunit hindi po tumitigil ang ganitong mga masasamang bintang at krimen po iyan. Kaya’t iipunin na po namin ang mga screenshots ng ganitong mga comments at ipadadala sa kinauukulan. Nasosobrahan na po ang pagiging kriminal ng mga gawain niyo. Yung mga may resibo ng ganitong comments, paki-forward po by pm sa akin, and I will forward. Gawin po natin itong activity laban sa iresponsableng paggamit ng salita,” mahabang post ng dating chief justice.

May mga ‘resibo’ na rin diumano silang hawak ng mga kumalat na kontrobersya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with