^

Pang Movies

Mccoy, prioridad na ang pamilya kesa sa career

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mccoy, prioridad na ang pamilya kesa sa career

Tapos na ang paghahangad ng kasikatan ng aktor na si McCoy de Leon. Tatay na si McCoy sa anak nila ni Elisse Joson na inilantad na nila sa publiko.

“Hindi namin naiisip ‘yon. Relasyon namin ang aming iniisip.

“Kahit dati, kahit anong mangyari, ginagawa ko ang isang project hindi para sumikat. Sining at passion ko ‘yon.

“’Yung sikat, last priority ko ‘yon. Nawawala naman ‘yon,” pahayag ni McCoy nang makusap ng press sa premiere night ng Yorme: The Isko Domagoso Story.

Eh paano ang kasalan?

“Napag-uusapan naman namin ni Elisse ‘yon. Eh sa panahon ngayon, kailangang maging praktikal. Hindi na lang ngayon ang sarili kong pamilya ang iniisip ko kundi ‘yung sa amin ni Elisse,” rason niya.

Tuloy pa rin naman ang pagiging artista ni McCoy. May gagawin pa siyang movie at nakahanda siya sa anumang project ang ibibigay sa kanya lalo na’t may anak na siya.

Bianca, magtatapos sa Kapuso

Fourteen years na palang Kapuso artist si Bianca Umali. Kahapon ay nag-renew siya ng contract sa GMA Artist Center. “Dito ako nagsimula at dito rin ako magtatapos,” saad ni Bianca.

Eh sa sasalihan niyang show sa darating na araw ay ang Bubble Gang kung saan ang kakulitan ang ilalantad niya!

vuukle comment

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with