^

Pang Movies

Maja, sinagot ang planong kasal nila ni Rambo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja, sinagot ang planong kasal nila ni Rambo
Maja.

Dahil nga kabi-kabila ang mga mag­dyowang ikinakasal ngayon sa showbiz, isa rin ito sa nausisa kay Maja Salvador sa launching niya bilang ambassador ng Reiko and Kenzen Beautederm Health Boosters.

Kasama nga rin ni Maja sa launching ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez at pabiro niyang sagot, ang BF raw yata ang dapat sumagot ng tanong.

“Well, nasa same page naman po kami, so may mga napag-uusapan, pero si God pa rin ang ano diyan. Sa tamang panahon po,” sabi ni Maja.

Medyo matagal-tagal na rin kasi ang relasyon nila ni Rambo Nuñez at mukhang sila na nga talaga ang magkakatuluyan lalo pa nga’t nagtayo sila ng business, ang Crown Artist Management.

Samantala, masayang-masaya ang aktres na isa na rin siyang Beautederm baby ngayon.

“Ako po eh sobrang grateful at kahit sa panahon ng pandemic ay mayroon pong nagtiwala sa atin, at ‘yun nga ang ating Beautederm family and para i-add ko lang po, very happy ako to endorse this products kasi talagang kailangan natin ngayong pandemic.

“So, nakakatuwa na si Miss Rhea (Anicoche-Tan, President and CEO of Beautederm) and Beautederm ay talagang nag-create ng bagong product para sa ating lahat, for our protection,” sey ni Maja.

Shido, walang idea kung preggy si Winwyn

Excited si Shido Roxas sa Metro Manila Film Festival 2021 kung saan nga ay isa sa official entries ang pelikula niyang Nelia with Winwyn Marquez. Bukod sa mapapanood na sa sinehan ang movie, makakasama siya sa fluvial parade na first time mangyayari sa MMFF.

“Excited na excited ako kasi finally ‘yung float, aandar na, and literal na float kasi magpo-float siya sa tubig,” aniya sa tsikahan with the entertainment press kahapon.

Actually, pangatlong MMFF movie na ni Shido ang Nelia. Ang una ay ang Rainbow’s Sunset noong 2018 na nagkaroon din ng parade pero ito nga ‘yung bumabagyo that time at hindi nakaandar agad ang ibang floats dahil nabalahaw.

Kasama rin siya sa Isa Pang Bahaghari last year pero online streaming lang ang MMFF kaya walang festival parade.

“Sabi ko, malas ba ‘ko? ‘Yung part ako ng movie na nakapasok sa MMFF pero hindi natutuloy ‘yung float. So, this time, sana naman matuloy,” sey ni Shido.

At dahil nga natsitsismis na nagdadalang-tao ang lead star ng Nelia na si Winwyn, natanong kay Shido kung nagkakausap ba sila lately ng aktres.

“Eto walang etchos ‘to, hindi talaga ako ma-showbiz na tao. Minsan, may mga artista na hindi ko talaga kilala, so, during the MMFF announcement, when the press were asking, asan daw si Winwyn, hindi ko po alam din talaga kung nasa’n si Winwyn. Kasi wala po akong alam talaga sa showbiz happe­nings,” sey ni Shido.

Wala raw siya talagang masasabi kung anuman ang totoo sa mga tsismis kay Winwyn.

“I do not have any idea, you can see it through my eyes, wala po akong idea talaga,” anang aktor.

Good thing ay naroroon din ang producer ng movie na si Atty. Aldwin F. Alegre (of A and Q Productions Film, Inc.) kaya natanong din siya kung makakapag-promote ba ang aktres ng Nelia.

“Nagkausap naman kami, she’s willing to promote the movie, may mga schedules lang, inaayos lang talaga ang scheduling kasi nga, conflict, but at the end of the day, talagang tutulong siya sa promotion,” pahayag ni Atty. Alegre.

May presscon ang Nelia sa Dec. 18 at sinigurado naman ni Atty. Alegre na dadalo ang kanyang lead star.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with