^

Pang Movies

Naging national interest!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Naging national interest!

Naging national interest ang latest na sagutan sa social media ng estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Take note, nagkainteres sa isyu ng mag-asawa ang Kapuso Mo, Jessica Soho, huh! May special interview si Kylie na isa isa segments na mapanood sa GMA magazine show this Sunday.

Mabigat kasi ang paratang ni Aljur kay Kylie na umano ay unang nag-cheat sa kanya! Malalaman natin ang sagot ni Kylie sa akusasyon ng dating asawa.

Samantala, kinawawa naman si Aljur ng ilang netizens sa nakaraang post niya laban kay Kylie. Pinansin ang English grammar ni Aljur at kinorek pa, huh!

Nakita namin ang in-edit na post na ‘yon at dahil kulay pula ang ink na ginamit, tadtad ng pulang correction ang post ni Aljur!

Mainegoals, may pa-Halloween!

Pasabog ang huling linggo goals ng #MaineGoals ni Maine Mendoza dahil Halloween themed ang mapapanood sa finale episode sa BuKo channel.

Maganda nga ang nagawa ng show, hindi lang kay Maine kundi pati sa staff, director, producer, writer ng show dahil super close na sila sa isa’t isa.

Kaya naman abangers ang fans ni Meng kung ano ang pasabog ng idolo sa Halloween episode ng programa. Umaasa sila na more seasons are coming up sa show na araw-araw trending, huh!

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with