^

Pang Movies

Kylie, may resbak din kay Aljur

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kylie, may resbak din kay Aljur

Bigla ngang na-delete ang matapang na hamon ni Aljur Abrenica sa kanyang asawang si Kylie Padilla na nagbintang na una siyang tinorotot, at hinamon din niyang aminin kung sino ang “kasama” ng misis niya ngayon. Iyan ay inilabas niya sa kanyang “confirmed” social media account. Pero ngayon nga ay burado na iyo.

Sinasabi ng ilang observers na posibleng inalis niya iyon matapos na umani ng maraming comment mula sa kanyang bashers na hindi rin naman pinatulan ni Kylie, at may sinasabing pinsan diumano ni Kylie na nag-akusa naman kay Aljur ng maraming bagay. Lumabas din na kaya niya sinabing una siyang kinaliwa ng kanyang asawa ay para bigyan din ng proteksiyon ang syota niya ngayong si AJ Raval.

Ang naging sagot ni Kylie sa lahat ng iyan ay ang pagsasabing ok siya, nasa kanya ang lahat ng mga bagay na pinapangarap niya at masaya siya para sa kanyang mga anak. Hindi naman sinabi iyon ni Kylie, pero may nagsasabing parang sinabi raw niyang masaya siya dahil hiwalay na sila ni Aljur, na matagal na rin naman niyang problema at pilit lamang diumanong pinagtatakpan. Mas marami ang naniniwala na meron pang mailalabas na issue si Kylie, kaysa kay Aljur, pero nagpipigil lamang siya alang-alang sa kanyang mga anak. “Ang mahalaga sa akin ngayon ay mapalaki nang maayos ang aking mga anak, na alam kong makakaya kong gawing mag-isa sa sarili kong pagsisikap,” sabi ni Kylie sa isang interview na lalabas pa lamang.

Bagama’t inaamin ni Kylie na napikon siya sa mga hindi totoong paratang laban sa kanya, sinabi niya kalaunan na hindi na niya bibigyan ng pansin ang mga ganoong usapan.

Siguro nga ganoon ang kanyang reaksiyon dahil lumalabas na after all, nakukuha pa rin niya ang simpatiya ng publiko.

Bakit pa nga ba naman siya magsasalita. Isipin ninyo, pati si Jessica Soho na ilang ulit nang nakatanggap ng prestihiyosong Peabody Awards, at iba pang international awards kabilang na ang Readers’ Digest, ay nagbigay daan kay Kylie na mapapanood mamayang gabi.

Ano pa nga ba ang dahilan para sagutin niya ang iba pang issues?

Direk Joven, tiwalang sisikat si Christi

“Gusto kong makita ng mga tao ang lawak ng emosyon at range ng boses ni Christi Fider diyan sa ginawa kong kantang iyan,” sabi ni direk Joven Tan, na bukod sa pagiging director ng pelikula ay composer din ng mga awitin.

Kung natatandaan ninyo, ilang ulit din siyang nanalo ng award sa song writing contest noon ng ABS-CBN. Noon daw gawin niya ang kantang Heto Na Naman, na sinabi niyang isang “hugot song,” ang talaga raw nasa isip niya ay si Christi na nakagawa na rin ng ilang hits. Ang kanta ay nai-record na at ini-release na ng Ivory Records. Available na rin sa iTunes, Spotify, at iba pang music outlets.

Narinig namin ang kanta, at kami ay nanghihina­yang dahil sa ngayon, ang mga kanta ay idina-download na lang sa internet, wala nang hard copy o CD. Ang isa pa, kung hindi mabilis na magiging hit, mananakaw na iyan ng mga pirata. Suwerte nga lang dahil marami naman daw ang nag-download ng kanta ni Christi sa paid internet sites sa unang araw pa lamang ng release. Ang kredito ay ibinibigay naman nila sa fans ni Christi na bumili agad kahit na hindi pa nila naririnig ang kanta.

Confident naman ang composer na si Joven na basta narinig ng mga tao ang kanta, mas marami ang magkaka-interest doon.

Dating grupo ng dancer, inalagaan ng mga matrona

Noong isang gabi ay napagkuwentuhan namin ang isang grupo ng dancers noon na puro pogi, pero hindi sila natsismis sa mga bading. Kasi lahat sila ang naging trip na patulan ay mga matrona. “Crush ko iyan,” sabi pa ng writer na si Melchor Bautista sa isa sa kanila. Kaya lang iyong crush niya ay syota na ng ibang writer na “matrona” noong mga panahong iyon.

Ngayon, aywan kung nasaan na sila at kung alaga pa rin ba sila ng mga matrona.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with