^

Pang Movies

Yasmien, ideal ang naging buhay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Yasmien, ideal ang naging buhay
Yasmien

Ang ganda ng progress ni Yasmien Kurdi bilang artista. ‘Yung nagmula sa teen star, at ngayon tulad ng role niya sa Las Hermanas na medyo mature na, makikita mo ang growth niya as an actress.

Ang maganda pa, habang tumatagal lalo pang gumaganda si Yasmien. Kasi nga medyo chubby siya noong bata, ngayon mas curvy siya at maingat sa kanyang figure.

Mas marunong na rin siya sa projection kaya naman ang ganda niya sa screen.

Sure akong maganda ang Las Hermanas dahil mahusay ang director nito na si Monti Parungao.

Maganda pati ang casting nito dahil dito yata nag-umpisa ang love angle nina Albert Martinez at Faith da Silva. 

Mahusay sa time management...

Nag-renew ng contract niya sa GMA 7 si Alden Richards. Of course, iyon naman talaga ang aasahan mo, dahil pinaka-precious star ng GMA 7 si Alden at ganun din kalaki ang pagmamahal ni Alden sa home studio niya na talagang parang bahay na niya.

Lahat nakita kung paano lumaki at naging Alden Richards ang number 1 star ng showbiz ngayon.

Imagine mo na kahit pandemic, tuluy-tuloy ang trabaho ni Alden, walang hinto, walang pahinga. At habang patapos ang isa, naghihintay pa ang susunod na gagawin. Pero sa lahat ng ito, walang sumabit dahil sa mahusay na time management niya.

Mahal niya ang trabaho niya, kaya mahal din siya nito. Mahal niya GMA 7 kaya mahal din siya ng station.

Kaya ngayon sa renewal ng contract niya, para na namang extension ng marriage ng dalawang tao na always happy together, forever.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with