^

Pang Movies

Pauleen, dinadamay si Vic sa pagiging k-addict!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pauleen, dinadamay si Vic sa pagiging k-addict!

Gusto kong ma-check kung ano na mga napanood ni Pauleen Luna-Sotto na Korea­novela. Naloka kasi ako na hanggang ngayon Goblin pa lang ang napanood niya eh ang dami-daming magaganda na sure ako kahit si Vic Sotto makaka-relate.

Noong una niyang nalamang addict ako sa Koreanovela, tawa nang tawa si Pauleen, lalo nang malaman niya na sa Instagram ang pina-follow ko mga oppa at hindi ko pinapansin ang mga posting ng mga alaga ko.

Katuwa na ngayon ay nag-enjoy na siya sa panonood at baka pati si Vic  madamay sa bagong addiction ni Pauleen. Lately ang dami na namang bago, Salve, pero unti-unti lang ang panonood ko dahil ayoko na uling magbabad.

Pero iyon pa ring Oppables ko, Kim Woo-bin, Lee Joon-gi, Nam Joo-hyuk at Jo In-sung. Basta forever na nila akong legal wife, hindi na sila puwedeng agawin ng iba, akin lang sila. Kay Pauleen na si Gong Yoo, ok lang. Kayang-kaya naman ni Vic iyon, hah hah hah, mas pogi si Bossing Vic, ‘di ba, Talitha? 

Pag-register sa Comelec, dinumog kung kelan malapit na ang deadline

Kaloka talaga tayo, Salve. Nung mga unang araw ng pagpapa-register ng COMELEC para sa election hindi naman ganun kahaba ang pila ng tao na ipinapakita sa TV. Now na meron nang deadline, ang haba ng pila at ang daming tao.

Nung unang tumatawag para sa bakuna, konti lang ang pumupunta, nga­yon na halos paubos na, saka ang dami nang nagtatanong. Hindi ba kalokah ‘yung ugali natin na laging photo finished, laging last minute. Ang sarap-sarap pa naman na walang tao o hindi marami ang kasabay mo ‘pag nagpabakuna o rehistro ka.

Hindi ka stressed at take your time ka pa, pero mas gusto talaga natin ‘yung ganun, siksikan, stressful, ayaw talaga natin ng relax lang ang lahat. Kaya hayan, umaga hanggang hapon nasa pila ka. Mas mahirap tuloy.

vuukle comment

PAULEEN LUNA-SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with