^

Pang Movies

Gabby, mas gustong katambal si Dawn kesa kay Sharon!?

Pang-masa
Gabby, mas gustong katambal si Dawn kesa kay Sharon!?

MANILA, Philippines — May fans sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na nasaktan sa post ni Gabby Concepcion patungkol kay Dawn Zulueta. Sabi kasi ni Gabby, “Leading ladies are hard to find. @dawnzulueta #class” na sinagot ni Dawn ng “Miss working with you, Gabo! Ingat.”

May ShaGab fans na nag-comment na masakit mabasa ang post ni Gabby at para raw siyang kinagat ng dinosaur. May nag-comment ng “Bigti y’all shagab nation... PAIN...” at may isa pang ang sabi, “Sinaksak nyo na lang po sana ako. charr.”

Kaya mas masakit sa ShaGab fans dahil nataon sa 37th anniversary ng ShaGab, tapos si Dawn ang pinost ni Gabby.

Ang iba namang ShaGab fans, umaasa na magpo-post din si Gabby ng larawan nila ni Sharon kahit throwback. Higit sa lahat, umaasa silang matutuloy na ang reunion movie nina Sharon at Gabby.

Speaking of  Gabby, for sale ang Roadtrek nito na kahit 1994 pa binili, still in good condition at parang bago pa rin. Ibenebenta ni Gabby ang sasakyan for P399K at bilin niya sa bibili “Please take care of her.”

Kris, nagmukhang si Ariana Grande sa kasal nila ni Perry

Puro “ang ganda” ang nabasa naming reaction sa wedding photo ni Kris Bernal na pinost ng NicePrint Photo. Lalo raw gumanda si Kris sa araw ng kanyang kasal kahapon, kaya lang dahil sa make-up, naging kamukha raw nito si Ariana Grande.

 Sa nakita naming photos, napuno ng sunflower ang St. Alphonsus Mary de Liguori Parish na nasa Magallanes Village, Makati City. Yellow flowers ang kanyang boquet at natupad ang wish niyang maglakad sa aisle ng simbahan hanggang sa altar kung saan naghintay sa kanya ang husband niyang si Perry Choi.

Kung hindi pandemic, mas bongga ang kasal nina Kris at Perry dahil matagal itong pinaghandaan ng couple. Dahil sa Covid-19, pati numbers ng invited guests nabawasan at sa huling update ni Kris, wala ng 100 guests ang nakasama nila ni Perry sa kanilang kasal.

Barbie, nagpuyat para makaboto

Pinuri ng netizens si Barbie Forteza dahil nagtiyagang pumila para magparehistro para makaboto sa 2020 elections. Post nito, “Nagsimulang pumila ng 4am at ngayon ay REHISTRADO NA AKO!!! Kayo rin! Pwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto.”

  May picture pa si Barbie na nakaupo sa bangketa kung saan siya nagparehistro katabi ang mga pumila rin ng matagal para lang magparehistro. Pansin ng netizens, diin na diin nang mag-thumbmark si Barbie, sa thumbmark daw nito inilabas ang puyat at pagod sa pagpila ng madaling-araw na inabot ng five hours.

  Samantala, nagtatanong ang fans ni Barbie kung kailan siya mabibigyan ng bagong teleserye ng GMA-7? Sana raw ang next teleserye nito ay heavy drama na request

din ni Barbie. Ayaw na rin nito ng mga love team na pampakilig, nami-miss na ng aktres ang heavy drama na sobra ang iyakan at mabibigat ang mga eksena.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with