Kim matagal nang deboto ni Padre Pio!
MANILA, Philippines — Devotee si Kim Chiu ni Padre Pio. Bilang pag-alala sa Santo, ibinahagi ni Kim sa Instagram ang pictures niya sa Padre Pio church sa San Giovanni, Rotondo, Italy kung saan nakalagak ang katawan ni Padre Pio.
Naging pagkakataon ‘yon ni Kim upang dumalo sa misa at makita ang relic ni Padre Pio nang malapitan ayon sa caption niya sa IG.
“Be closer to God and may the life of Padre Pio inpire you to follow and honor Jesus,” paalala pa ni Chinita Princess.
Sen. Tito, ‘di pababayaan ang movie industry
Marami ring plano si Senate President Tito Sotto sa workers sa movie industry kung saan naging bahagi siya.
Sa Kumustahan ni Speaker Sotto with the press, ibinahagi niya ang ilang batas na siya ang may akda gaya ng pag-control sa fake news at trolls sa social media ngayon at pagtulong sa ilang workers sa industry. Matatandaang siya ang author ng creation ng Film Development Council of the Philippines.
Batid ng speaker-senator ang sitwasyon ngayon sa movie industry. Kaya naman sa pagtakbo niya bilang Vice President sa 2022, bibigyan niya ng importansiya ang batas na ginawa para maisakatuparan para sa lahat.
Maligayang Kaarawan…
Happy, happy birthday yesterday to my editor, Salve Asis.
Stay fresh, beautiful and lovable! God bless you and your family and loved ones too!
- Latest