^

Pang Movies

Rabiya, itatambal ng GMA kay John Lloyd!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Rabiya, itatambal ng GMA kay John Lloyd!
Rabiya

Wow, Salve A., sasali na pala talaga sa upcoming Pinoy Big Brother (PBB) Season 10 ang former boyfriend ni Rabiya Matteo, former Miss Universe Philippines, na si Neil Salvacion. Six years din daw silang naging mag-on ni Rabiya, ayon kay Neil.

Samantala, isa na nga raw Kapuso si Rabiya.

And did we hear it right na kapag diumano natuloy ang sitcom na gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA, baka isa siya sa maging leading lady?

Twenty four years old lang si Rabiya.

Si John Lloyd, 38.

Kelvin, 2 beses nagkarelasyon sa may edad

Kaya pala at home, Salve A., si Kelvin Miranda, 22 years old in real life, sa kanyang role bilang estud­yanteng nagka-affair sa supposed Guidance Counselor ng iskul na kanyang pinapasukan, ay twice na niyang naranasang ma-involve sa dalawang babaeng malaki ang katandaan sa kanya.

Mahirap na masarap, Kelvin describes the experience. Spoiled ka, in a way, na ‘di mo hinahangad. Inaasahan.

Sa series na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette, playing the role of the Guidance Counselor is Beauty Gonzalez, who is 30 years old naman in real life.

Of having a relationship with someone younger, Beauty said hindi niya ito napu-foresee.

In real life, much old than she is ang ama ng kanyang anak na si Olivia, well-known curator Norman Crisologo.

Nearly 25 years ang kanilang age gap.

In any case, sa kanilang relasyon daw ni Norman, na-realize niya, tulad din daw siguro ni Norman, na age is just a number.

ANGEL, MAS PIPILIING MAGKAANAK Dasal pa rin ang hiling ng members ng family ng father ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares, 94.

Hanggang ngayon, nasa ospital pa pala siya dahil sa COVID-19 virus. In any case, how true ang balitang baka pasukin din ni Angel ang pulitika?

May mga umeengganyo raw sa misis ni Neil Arce na tumakbo bilang senador. If we know Angel, between having a baby and pagiging senador, mas pipiliin niya ang una.

Daniel, nananahimik na

Maririnig na sa himpapawid ang bagong official theme song ng magsisimulang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Titled Pinoy Ako, it’s written and composed by Rico Blanco.

Do you know na sa kanyang young girlfriend na si Maris Racal unang ipinarinig ang song?

Well, Maris was a former PBB (year 2014) housemate. Hindi nga lang siya nag-emerge first place, kundi si Daniel Matsunaga.

Come to think of it, bakit wala na yata tayong naririnig tungkol kay Daniel?

vuukle comment

RABIYA MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with