^

Pang Movies

Dennis, windang pa rin sa experience sa Venice Filmfest

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nakabalik na ng bansa si Dennis Trillo mula sa pagdalo sa 78th Venice International Film Festival at naka-quarantine ang aktor. Habang nasa quarantine, na-interview si Dennis sa 24 Oras at nakuwento ang naging experience niya sa Venice International Film Festival.

Sabi ni Dennis, lahat nang paghihirap, sipag, at tiyaga niya for 20 years, nag-pay off dahil sa na-experience niya sa film festival. “Ibang experience ‘pag ibang lahi ang nagre-react sa iyong trabaho, nakakataba ng puso.”

Nabanggit ni Quark Henares na pinalapit ni director Bong Joon-ho na Jury head ng film festival ang Jury members na sina Cynthia Erivo na sinabing ama­zing at brilliant si Dennis sa movie at sabi naman ni Sarah Gadon, Dennis looked different.

Cute naman ang reaction ni director Chloe Zhao na she googled Dennis at nalamang matinee idol siya sa Pilipinas at singer pa. Si director Chloe Zhao rin ang nagsabing gusto nilang parehong papanalunin sina Dennis at John Arcilla, hindi lang daw pumayag ang Venice. Sana, dalawa ang Filipino winners.

Wala pang nababanggit na new movie project si Dennis, sana matuloy ang movie na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz.

Sa telebisyon naman, napapanood pa rin ang Legal Wives kung saan, ipinapakita ni Dennis ang husay umarte bilang ang Maranao na may tatlong asawa.

Mikee at Kelvin, pinagbigyan ang fans

Masaya ang MiKel fans nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda dahil balik tambalan ang dalawa sa isang episode ng Regal Studio Presents na wala pang title. Matagal nang nire-request ng MiKel fans sa GMA 7 na pagsamahin uli ang dalawa kahit guesting muna kung wala pang teleserye project dahil March pa nagtapos ang The Lost Recipe na una nilang pinagsamahan at nagklik sa viewers.

Finally, pinagbigyan ng GMA ang MiKel fans at guest sina Mikee at Kelvin sa Regal Studio Presents at nag-taping sila last Thursday.

Birthday ni Edu, ‘di nalimutan ni Angel

Ang lakas ng tawa namin sa Tempo app ni Edu Manzano kung saan, makikitang nagsasayaw siya. Ang dami ng views at likes ng video na ang caption ay “My most  challenging role to date. Sabi ni Direk Dweinylane Baltazar kaya ko. Kaya todo na ito! Bomba!!! Tingin niyo?”

Aliw basahin ang comments na lahat nagsasabing nakakatawa, cute at ang ganda ni Edu na babae at nagsasayaw. May nag-comment na may hawig siya kay Ogie Alcasid, sino kaya kina Edu at Ogie ang magre-react.

Samantala, pinasalamatan ni Edu ang I Am Hope Foundation nina Bea Alonzo, Rina Navarro, Rebecca Rufino, at kapatid na si Gigi Manzano dahil sa pagde-deliver ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Jolina sa Nasugbu, Batangas.  May farm pala si Edu sa nasabing lugar, kaya concerned sa 800 families doon.

Ikinatuwa naman ng followers ni Edu na mabasa ang “Happy birthday, tito” na birthday greetings ni Angel Locsin kay Edu sa 66th birthday ng TV host-actor. Sinagot siya ni Edu ng “Thanks Mrs. Arce.”

Xian, ayaw paarawan ng nanay

‘Katuwa ang mom ni Xian Lim, nag-comment ito sa Instagram ni Xian ng “Hwag kang magpaaraw. May pinabaon akong sunblock sa bag. Take your vitamins and eat vegetables. May pinadala ako diyan.”

Sagot ni Xian sa mom niya, “mom! May direct message... yung parang arrow or paper airplane sa upper right screen!” na ang gustong tukuyin ni Xian, sa DM siya i-message ng ina. Pero, cute naman ang paalala ng mom ni Xian sa kanya.

Nasa lock-in taping kasi si Xian ng Love.Die.Repeat  nila ni Jennylyn Mercado, kaya malayo siya sa ina.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with