^

Pang Movies

Lovi ‘di nagsunog ng tulay, nagpasalamat sa pagsugal ng Kapuso

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lovi �di nagsunog ng tulay, nagpasalamat sa pagsugal ng Kapuso
Lovi

Adaptation ng Korean series na Flower of Evil ang unang project nina Piolo Pascual and Lovi Poe sa ABS-CBN.

Magkasunod nga na pumirma ng kontrata kahapon si Lovi na pinakabagong Kapamilya at si Piolo na nag-renew ng contract.

Enggrande ang pa-red carpet welcome kay Lovi sa mismong ABS-CBN compound na sinalubong ng bosses ng network.

Actually, hindi ito ang unang project ni Lovi sa ABS-CBN dahil bumida na siya sa 2020 iWantTFC movie na Malaya.

Bago ang contract signing ni Lovi ay nagpasalamat siya sa GMA 7 kung saan siya tumagal ng 15 years. In all fairness kay Lovi, maganda ang kanyang message at naging maingat. Hindi nagsunog ng tulay dahil may chika namang may counter offer sa kanya.

“Mananatili sa Puso. Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories.

“Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it. “Punong puno ng pagmamahal at pasasalamat?.”

At sa pagiging Kapamilya niya, isa umano itong bagong kabanata ng kanyang career kung saan mas marami raw international projects ang gagawin niya.

Ngayong taon, inilunsad ni Lovi ang recording career niya sa US at bibida rin siya sa unang Hollywood movie niya kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, ang The Chelsea Cowboy, kung saan gaganap siya bilang ang English singer at icon na si Dana Gillespie.

Kung magkakaroon naman ng chance, gusto niyang gawin ang remake ng action-fantasy film Ang Panday ng kanyang amang si Da King Fernando Poe Jr.

Kasama naman sa gusto pa niyang makatrabaho ay sina Coco Martin, Gerald Anderson, JM de Guzman, Zanjoe Marudo and Carlo Aquino. Sa Kapamilya actresses naman ay sina Anne Curtis, Kim Chiu, Kathryn Bernardo and Liza Soberano.

“Not just men, even like the heartthrob women of ABS-CBN, I would love to work with.

“I want to work with Anne. I want to work with Kim. I would love to work with Kathryn, Liza. Everyone. I don’t want to leave out anybody ‘coz I want to work with everyone. Now is the time to have us all together,” mensahe niya pa na Owe My Love ang huling project sa GMA 7.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with