^

Pang Movies

Nadine, ididirek ni Brillante Mendoza

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nadine, ididirek ni Brillante Mendoza
Nadine

Si Boss Vic del Rosario na ang nagbalita sa amin na may tatlong pelikulang gagawin ang Cannes Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza sa Viva Films at isa rito ay pagbibidahan ni Nadine Lustre.

Muling nagkaayos ang Viva at si Nadine kaya balik-pelikula ang ex-girlfriend ni James Reid na magsisimula nang mag-shooting next month ng pelikulang Greed na pagtatambalan nila ni Diego Loyzaga mula sa direksiyon ni Yam Laranas.

Samantala, napapadalas ang sighting sa singer, actress, dancer and celebrity endorser na si Nadine sa Siargao Island dahil may sariling business doon ang kanyang rumored new boyfriend, ang French guy na si Christopher Bariou who owns a luxury resort sa nasabing isla, ang Maison Bukana.

It was in January 2020 nang official na inanunsyo ng dating magkasintahan ang kanilang breakup. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nanatili pa ring magkaibigan ang dating magkasintahan.

Kung si Nadine ay balitang may bago nang nobyo, tahimik naman si James pagdating sa pagkakaroon ng bagong kasintahan.

Movie nina Alden at Bea, dalawang buwang delayed ang shooting

Sabay na lumagda ng kontrata sa Kapamilya Network sina Piolo Pascual at dating Kapuso singer-actress na si Lovi Poe kahapon, Sept. 16.

May panahon din, Salve A., na lumutang tuluyan ni Piolo na lilisanin ang Kapamilya network nang iwan nito ang ASAP Natin `To ng ABS-CBN at tanggapin ang hosting job ng katapat nitong programa, ang Sunday Noontime Live na produced ng Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez na ipinalabas sa TV5 at tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan. Pero sa anniversary sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, nagsasama-sama ang Kapamilya stars, actors and talents sa ASAP Natin `To kung saan ipinasok ang video message ni Piolo na nasa Amerika at that time na nagsasabing Kapamilya pa rin siya.

Ang paglagda ng panibagong kontrata ni Piolo sa Kapamilya Network ay tanda ng kanyang pananatili at pagiging bahagi pa rin ng ABS-CBN since 1992.

Ang tatay-tatayan ni Piolo na si Mr. M (Johnny Manahan) ay tumatayong consultant ngayon ng GMA Artists Center.

Samantala, si Lovi ang pinakabagong transferee sa ABS-CBN pagkatapos ng magkasunod na paglipat galing GMA nina Sunshine Dizon at Janine Gutierrez.

Kung si Bea Alonzo ang pinakamalaking star na lumipat galing ABS-CBN to GMA, hinihintay naman ang paglagda sa Kapuso network ng dati ring Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.

Speaking of Bea, halos two months na rin ang delay ng pagsisi­mula ng shooting nila ni Alden Richards ng local remake ng Korean movie na A Moment to Remember na nakatakdang panamahalaan ni Nuel Naval, ang director ng local remake ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7 .

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with