Safe na!
Babaguhin ng DILG sa pamumuno ni Secretary Jonvic Remulla ang charge sheet na laman ang mga pangalan ng pwedeng kasuhan sa pagkamatay ng Ateneo players na sila Bert Baterbonia at Divine Adili.
Ligtas na ang dalawang ball boys.
Huwag na natin sila pangalanan pero ayon sa DILG, dehins na respondents sa kaso ang dalawang ball boys or water boys or utility boys ng Ateneo basketball team na nagsagawa ng water activity sa isang beach sa Aurora nung June 8 kung saan nasawi sila Baterbonia dahil sa pagkalunod.
Bukod sa ball boys, buburahin na rin sa initial charge sheet na hawak na ng PNP-CIDG at Department of Justice ang pangalan ng dalawang student managers.
Dehins ako sure if ano ang role ng student managers pero sa hula ko, involved siguro dito ang sharing ng basic information sa players about the team at walang kinalaman sa important decisions.
Ganun din ang ball boys. Kaya naunahan na natin dito last Sunday ang announcement na “Not guilty.”
Pero tuloy ang possible filing of charges laban sa foreigner na head coach ng Ateneo at anim pa, kabilang ang dalawang strength at conditioning coaches, tatlong assistant coaches at isang physical therapist.
For now, mahimbing na ang tulog ng ball boys at student managers na pwede pa rin ipatawag as witnesses.
Sabi nga ni Senator Rodante Marcoleta, “Safe ka na.”
- Latest





















