^

PSN Palaro

MVP tiwala kay Alapag

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
MVP tiwala kay Alapag
 Kinamayan ni PLDT chairman at CEO Manny V. Pangi­linan si bagong NLEX head coach Jimmy Alapag sa isang press conference kamakalawa ng gabi.
PHOTO: NLEX Facebook account

MANILA, Philippines — Naniniwala si PLDT chairman at CEO Manny V. Pangilinan na maihahatid ni bagong head coach Jimmy Alapag ang NLEX sa inaasam nitong kauna-unahang PBA Finals.

Sinabi ito ni MVP matapos ang opisyal na pagtapik ng Road Warriors sa 48-anyos na six-time PBA champion point guard bilang kapalit ni Jong Uichico.

“t’s a no brainer in many ways. He’s a great player, good leader and instrumental in the Gilas (Pilipinas) participation in the World Cup in 2014 in Seville (Spain),” ani Pangilinan kay Alapag. “So he’s a good coach I think.”

Anim na taon namalagi ang dating playmaker ng TNT Tropang 5G at Meralco sa United States kung saan siya naging assistant coach sa Stockton Kings sa G-League at player development coach sa Sacramento Kings mula 2023 hanggang sa pagtatapos ng 2025-26 NBA season.

Ito ang kredensyal na inaasahan ni Pangilinan na gagamitin ni Alapag sa paggiya sa NLEX sa parating na Season 50 PBA Governors’ Cup na didribol sa Hulyo 10.

“Of course, now that he has spent six years of coaching chores in the States, I think he is now better prepared to partake on coaching duties here in the country,” ani ng PLDT chief sa tinaguriang ‘Mighty Mouse’.

Isa rin si Alapag sa PBA 50 Greatest Players at hinirang na 2003 Rookie of the Year at 2011 Most Valuable Player.

Minalas ang Road Warriors na makapasok sa championship series ng nakaraang Season 50 PBA Commissioner’s Cup matapos matalo sa Tropang 5G sa kanilang semifinals showdown.

Sinimulan kahapon ni Alapag ang kanyang trabaho sa pagsagupa ng NLEX sa Blackwater sa isang tune-up game.

Si balik-import DeQuan Jones ang muling ipaparada ng NLEX sa season-ending conference na pinagharian ng TNT sa Season 49 laban sa Barangay Ginebra.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with