Eala ayaw pakampante

MANILA, Philippines — Maganda ang ratsada ni Alex Eala sa grass court na nagresulta sa isang WTA 125 title sa Birmingham Open at isang semis appearance sa Berlin Open.
Dahil dito, nakakuha si Eala ng No. 29 seed sa singles ng Wimbledon Championships sa London, England.
Ngunit ayaw ni Eala na magpakampante dahil alam nitong matinding laban ang kanyang haharapin sa naturang Grand Slam event.
“Being seeded is something I’m really proud of. Its kind of like, ‘Wow, I’m seeded at Wimbledon,” ani Eala.
Nakatakda nitong makaharap si Renata Zarazua ng Mexico sa opening round ng singles Martes ng gabi (oras sa Maynila).
Hindi makapaniwala si Eala na sa edad na 21-anyos, makakakuha na agad ito ng seeding sa Wimbledon.
“Nonetheless, it can get kind of sentimental just because, you know, you look back at my whole journey, who would have thought that at 21 I’d be seeded at Wimbledon,” ani Eala.
Apat na seeded players na ang nasibak sa Wimbledon — sina French Open runner-up at No. 20 Maja Chwalinska, No. 22 Leylah Fernandez, No. 27. Anastasia Potapova at No. 28 Ann Li.
Kaya naman doble ingat ang gagawin ni Eala.
“In terms of on court, like, the ball doesn’t know if you’re seeded or not, right? So, yeah, that’s how I would put it. There are no handouts here,” ani Eala.
Alam ni Eala na walang magiging madaling laro sa Wimbledon kaya’t kakayod ito ng husto. Handa ito sa anumang pagsubok na makakasagupa nito.
- Latest



















