^

Pang Movies

Male starlet na walang raket, branded ang suot mula ulo hanggang paa!

SUBLIMINAL - Ruel Mendoza - Pang-masa

No wonder na kumpleto sa magagandang gamit ang male starlet na ito na hindi sumikat-sikat dahil boylet pala siya ng isang rich na beki na mahilig sa mga lalakeng starlet.

Ilang beses na tinanong ang male starlet na ito kung meron ba siyang gay benefactor at panay ang pagtanggi nito. Lahat daw ng meron siya ay pinagtrabahuhan niyang makuha.

Ang nakakapagtaka ay wala namang TV show o pelikula ang male starlet. Kahit mga out of town shows ay wala ito pero lagi na lang nakikita sa kanyang social media accounts ang mga selfie ng mga biyahe niya kung saan-saang lugar sa mundo.

Natatawa na lang ang mga taong alam ang mga nagaganap sa buhay ng male starlet. Alam nila kung kanino galing ang magandang kotse niya, ang mamahaling condo unit at ultimo ang underwear niya na signature brand ay bigay lahat ng kanyang beki lover na super generous.

“Kaya nga nawala ang amoy sa katawan niyan dahil sa pag-alaga sa kanya ng beki,” sey ng aming source.

“Guwapo naman ang male starlet na ‘yan. Kaso amoy anghit. Pawisin kasi kaya kapag nagsimula na itong pawisan, doon na nagsisimula ang nakakalokang amoy sa katawan niya. Ang baho niya talaga!”

Kaya nang minsan daw dalhin si male starlet sa ibang bansa ng madatung na beki, nagamot raw ang mabahong amoy nito sa katawan.

“Bigla ngang nawala ang amoy bumbay sa katawan niya.

“Nabawasan ang pagpapawis niya. Dinala raw ni beki sa isang kilalang doctor sa Bangkok na naggagamot ng ganyang problema sa katawan.

“Ayun, mabango na siya ngayon. Amoy baby na siya at hindi na amoy nagtatrabaho sa Malabanan,” sey pa ng aming source.

Ngayon nga raw ay mamahalin ang mga suot ni male starlet. Mula ulo hanggang paa ay signature brand. Pagtatakahan naman talaga siya ng marami dahil wala naman itong regular na trabaho pero afford niya ang mga mamahaling gamit.

“Siyempre, give lahat ‘yan ni rich beki. Pinagsa-shopping pa siya sa ibang bansa niyan. Kaya si male starlet, nagmukhang tao talaga.

“Hindi na siya nanghihiram ng damit sa kung sinu-sino kasi nga may sarili na siyang wardrobe.

“Tama naman ang sinabi ni male starlet na pinagtatrabahuhan niya ang lahat ng meron siya. Trabaho sa kama ang ginagawa niya bilang kapalit sa lahat ng bigay ni rich beki!” pagtatapos ng source namin.

Pamilya ordinaryo nag-ingay sa London

Patuloy na gumagawa ng ingay sa mga international film festivals ang award-winning indie film ni Eduardo Roy, Jr. na Pamilya Ordinaryo.

Pagkatapos na humakot ng awards sa Cinemalaya 2016 at makuha ang BNL People’s Choice Award sa 13th Venice Days ng Venice International Film Festival, nakakuha rin ito ng dalawang special jury citations sa London East Film Festival.

Kelan lang ay muling pinarangalan ang Pamilya Ordinaryo ng dalawang awards mula sa Hanoi International Film Festival in Vietnam.

Nakuha nito ang best director at ang best actress para sa baguhan na si Hasmine Killip. Kapwa hindi present sa naturang festival sina Direk Roy at Hasmine para personal sana nilang tanggapin ang trophies nila.

Bukod sa Pamilya Ordinaryo, may apat pang Filipino films na nakasama sa festival. Ito ay ang Tandem, Imbisibol, Water Melon at Sibol.

Kabilang sa member ng jury ng main competition sa Hanoi International Film Festival ang actress na si Iza Calzado. Nakasama niya pa sa jury ang Hollywood actress na si Geraldine Chaplin at ang filmmakers na sina Adoor Gopalakrishnan and Dao Ba Son.

Joyce nagpakita ng alindog, Kristoffer ibinalandra ang ABS

Hindi na mga bata sina Kristoffer Martin at Joyce Ching dahil handa na silang ilantad ang kanilang mga katawan. Sa isang episode ng Hahamakin Ang Lahat, pinakitang basang-basa ang dalawa sa swimming pool.

First time na mag-bikini si Joyce at kahit na kabadung-kabado ito, buong tapang niyang ginawa ang eksena kunsaan ipinakita niya ang kanyang alindog sa TV.

Si Kristoffer naman ay ipinakita ang pinaghirapan niyang pagpapaganda ng katawan. Panay na nga ang post ng aktor ng mga sexy selfies niya sa Instagram para ipakita ang kanyang improvement.

Hindi naman nabigo ang mga beki na nag-abang kay Kristoffer dahil marami ang naglaway sa matipunong dibdib at mga matitigas na six-pack abs niya.

vuukle comment

EDUARDO ROY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with