Beda, Jose Rizal nakatutok sa semis

Parehong may tangan na ‘twice-to-beat’ advantage, makakaharap ng Red Lions ang University of Perpetual Help System DALTA Altas ngayong alas-3 ng ha­pon, habang katapat ng Heavy Bombers ang Arellano Chiefs sa alas-5 ng hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pakay ng defending champion San Beda University at Jose Rizal University na tapusin ang ka­nilang mga katunggali sa quarterfinals upang makausad sa semifinals ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament.

Parehong may tangan na ‘twice-to-beat’ advantage, makakaharap ng Red Lions ang University of Perpetual Help System DALTA Altas ngayong alas-3 ng ha­pon, habang katapat ng Heavy Bombers ang Arellano Chiefs sa alas-5 ng hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Nakakuha ng insentibo ang SBU at JRU matapos upuan ang No. 1 at No. 2 spot sa Group A tangan ang parehong 10-3 records, habang No. 3 at No. 4 sa Group B ang Arellano at Perpetual na may 6-7 at 4-9 cards, ayon sa pagkakasunod.

Muling ipaparada ng Red Lions sina Aldous Torculas, Jimmy Reyes at Andreu Ugaddan upang masikwat agad ang importanteng panalo.

“Sa ensayo, talagang ti­natrabaho namin at kita naman, mas pinagbutihan din namin ‘yong defense na­min,” sabi ni Ugaddan.

Para sa Altas, inaasahang sasandalan nila sina Jim Corpuz at Shawn Orgo.

Show comments