Ajido flag-bearer ng Team Philippines sa YOG

MANILA, Philippines —  Pinangalanan si swimming standout Jamesray Mishael Ajido upang ma­ging flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 4th Youth Olympic Games (YOG) sa Oktubre 31 sa Dakar.

Isa ang 16-anyos na Pinoy tanker sa mga ipa­pa­rada ng Pilipinas sa Youth Olympic Games.

Siyam na Pinoy athletes ang sasabak sa anim na disiplina.

Itatampok sa opening program ang malalim na kultura ang musika ng host country sa ilalim ng te­­mang “Africa Welcomes, Dakar Celebrates.”

Sina Ajido at Riannah Chantelle Coleman ang sasalang sa swimming sa Nobyembre 1.

Sasabak din sa natu­rang araw si wushu bet Angel Polo (women’s taiji­quan combined).

Lalarga ang artistic gymnastics sa Nob­yem­bre 7 tampok sina Tchelzy Maayo at Hillarion Palles III, habang sa Nobyembre 8 ang cycling ni Maritanya Krog sa women’s road at individual time trial.

Nakatakda ang athle­tics sa Nobyembre 8 kung saan magtatangka sina Pi Durden Wangkay (men’s 200m) at Naomi Marjorie Caesar (women’s 800m).

Show comments