Jennica, sinuwerte nang humiwalay kay Alwyn!

Pareho nang may Gawad Urian Best Supporting Actress award ang mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia.
Si Jean ay nasungkit ang kanyang kauna-unahang Best Supporting Awards nung 2012 para sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa habang nitong 2026 lamang nakuha ni Jennica ang kanyang first Best Supporting Actress ever sa Gawad Urian dahil sa kanyang mahusay na performance sa 2024 movie na Sunshine na pinagbidahan ni Maris Racal na siya namang tinanghal na Best Actress ng Gawad Urian.
Ang nasabing pelikula ay isinulat at pinamahalaan ni Antoinette Jadaone which was distributed ng Project 8 Projects habang ang ex-boyfriend naman ni Maris, ang music icon, record producer at actor na si Rico Blanco sa music.
Nalagpasan bale ng singer-actress ang kanyang mga kapanabayan in terms of receiving an acting award.
Samantala, marami ang nagsasabi na sinuwerte umano si Jennica sa kanyang career nang mahiwalay ito sa kanyang dating mister, ang actor na si Alwyn Uytingco, ama ng dalawa niyang anak na babae na sina Athena Mori at Alexis Severina.
Jolens at Marvin, may forever
Balik-tambalan sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa pinakabagong comedy-drama series on TV5, ang Mommy Guard na pinamamahalaan ni Roman Perez, Jr. na nagsimula talaga sa telebisyon bago ito na-identify sa sexy movies ng VMX.
Ipinasilip ng TV5 ang first two episodes ng Mommy Guard at lahat nang dumalo sa presscon ay sumang-ayon na magki-click ang balik-tambalan ng dalawa sa telebisyon dahil napaka-natural pa rin nila pagdating sa pagpapatawa.
Bukod kina Jolina at Marvin, ang iba pang poste ng comedy-drama series ay kinabibilangan nina Soliman Cruz, Susan Africa, Roxanne Guinoo, Dominic Ochoa, Cedrick Juan at iba pa. Pinuno rin ang cast ng bagong talents ng Star Works ng TV5 tulad nina Pearl Gonzales, Amo Wilding, Nathalie Apollo, Celyn David, Patrick Ballesteros, Ge Villamil, Migo Manikan, Ian Mark Kamangkang, GB Labrador, Inah Evans, Tabs Sumulong, Hershey Neri at iba pa. Ito’y magsisimulang mapanood sa Oct. 19 sa afternoon block ng Kapatid Network.
Nanatiling close na magkaibigan ang dalawa gayundin ang mister ni Jolina na si Mark Escueta kay Marvin.
Sina Jolina at Mark ay may dalawang anak na sina Pele Inigo at Vika Anaya habang may dalawang grown-up twin sons naman si Marvin, sina Sebastian at Santiago.
Nico at Christine, wala na!
Inamin ng Italian-Canadian model-actor at host na si Nico Locco na hiwalay na sila ng VMX star na si Christine Bermas at tumagal din ng mahigit dalawang taon ang kanilang relasyon.
May bagong non-showbiz girlfriend ngayon ni Nico na hindi taga-showbiz.
- Latest


























