^

Police Metro

Mark Zuckerberg, pinapatawag ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Mark Zuckerberg, pinapatawag ng Kamara
Mark Zuckerberg, CEO of Meta, testifies during the US Senate Judiciary Committee hearing "Big Tech and the Online Child Sexual Exploitation Crisis" in Washington, DC, on January 31, 2024.
AFP / Brendan Smialowski

MANILA, Philippines — Inisyuhan na ng subpoena para dumalo sa pagdinig ng Kamara si Meta Chief Executive Officer (CEO) Mark Zuckerberg sa pagdinig hinggil sa kaligtasan sa social media kung saan naiimpluwensyahan ng mga bayolenteng insidente  ang mga kabataan.

Nitong Miyerkules ng gabi ay ipinagpaliban muna ng Kamara ang deliberasyon sa panukalang pondo ng Deparment of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay ng ilang mga isyu na dapat matugunan ng Meta at ng iba pang social media platforms.

Si Philreca Partylist Rep. Presley de Jesus ang nagmosyon sa debate sa plenaryo kaugnay ng P10.68 bilyong panukalang pondo ng DICT na isuspinde muna ang pagdinig hanggang wala pang resulta kung paano mapipigilan ang mga mapanganib na online content, magsagawa ng crackdown laban sa mga scams at siguruhin ang mga kasunduan sa mga social media platform.

Ang pagdinig ay hinggil sa mga mapanganib na online content at ang pananagutan ng mga social media platforms  gayundin ang mga posibleng hakbangin na maaaring maipatupad upang maprotektahan ang mga Filipino lalo na ang mga kabataan sa digital space.

Samantala, kinikilala naman ni DICT Secretary Henry Aguda ang oversight na trabaho ng Kamara para tiyakin ang pananagutan ng mga pangunahing social media platforms sa mga illegal na aktibidad sa online.

Aniya, mahalagang maipatawag si Zuchkerberg para magpaliwanag sa isyu at siya na mismo ang mag-iimbita rito.

Hindi naman tinukoy ni Aguda kung kailan maaring magpartisipa si Zuchkerberg sa pagdinig ng Kamara.

MARK ZUCKERBERG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with