LBM
Iba ang ibig sabihin ng LBM para sa San Miguel Beer import na si Justin Patton.
Lawang Balak Maglaro.
Yes, missing in action ang 2017 first-round draft pick ng Chicago Bulls. Absent sa dalawang practice then dehins sumipot sa game laban sa Magnolia last Sunday.
Olat ang SMB at sumadsad sa 3-4 record sa PBA Commissioner’s Cup.
Replacement din si Patton after a 1-2 start ng Beermen na si Marcus Lee ang import. Eh mas malaking sakit ng ulo pala ang ibibigay ni Patton.
May LBM daw siya kaya dehins nag ensayo pero nangako na maglalaro kontra Magnolia. Pero nung sunduin ng driver para sa game, ayaw magbukas ng pintuan.
Ang balita sa building na tinitirahan niya, nagpadeliver pa daw kinagabihan ng inumin at ang masama eh may naamoy daw silang kakaiba na parang banned substance mula sa kwarto ng import.
Well, may idea na siguro tayo kung ano ang ginagawa.
Kaya pindot agad ng panic button ang SMB management at in fact, dumating na ang replacement ni Patton: si Bennie Boatwright, ang matinik na import na nagpa-champion sa SMB nung 2024.
Kasalukuyan din inaayos ang mga dokumento ni Boatwright para maging naturalized citizen ng Gilas Pilipinas. Na-eliminate na ang team niya sa Korea kaya biglang naging available.
Mabuti na lang at swak sa schedule ng SMB na sa Sunday pa ang next game laban sa NLEX.
Makakailang practice pa si Boatwright at pwede mag-scout ng mga kalaban niyang imports.
Si Patton? Bigyan na ng ticket pauwi.
- Latest

















