^

PSN Palaro

Agutaynen, Cuyunan hataw sa PSC IP Games

Philstar.com
Agutaynen, Cuyunan hataw sa PSC IP Games
Ipinakikita ng isang katutubo ang kanyang talento sa paglahok sa IP Games na idinaos sa Palawan.
Philippine Sports Commission

PUERTO PRINCESA – Nagtapos ang Indigenous Games nitong Linggo ng payak at simple ngunit marangal para sa siyam na kalahok na tribo ng Palawan.

Nagbigay pugay ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga pinuno ng tribo, kalahok, at lokal na opisyal sa pagtiyak na hindi malilimutan ang pamana at tradisyon ng mga minoryang Pilipino kahit na sa panahon ng internet at social media.

“Nagtagumpay tayo. Ito ay bunga ng pagtutulungan ng lahat. Patuloy nating tulungan ang ating mga katutubo na mapanatili ang kanilang kultura at palakasan. Ipinagpapatuloy namin ito, dahil sa kalaunan ay makakatulong ito sa amin para makatuklas ng mga talento na maaaring maging kinatawan sa regional o national level,” sabi ni  PSC Commissioner at Chairperson ng IP Games Fritz Gaston sa closing at awarding ceremony sa dalawang araw na event sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Pinatunayan ng tribong Agutaynen ang kanilang husay sa pangangaso nang manalo sila sa event sa Pana at Sibat. 

Tinalo ng tambalan nina Allan Abela at Ivanhoe Camining ng Agutaynen ang kanilang mga karibal mula sa Tagbanua Central at Batak habang si Camining ay naging double gold winner matapos magwagi sa Sibat event laban kay Benny Cuyao ng Tagbanua Central at Bennet Aranas ng Tabdolanen

Inangkin ng tribo ng Palaw’an na binubuo nina Aprilito Mastala at Dudy Indaya ang korona ng Supok laban sa Batak habang nakabawi ang Batak nang pagharian ang Santik event.

Ang katutubo mula sa Cuyunan ang pinakamabilis sa Pagbayo sa Palay na nagtapos sa loob ng apat na minuto at 08.89 segundo laban sa Palaw-an (4:30.25), at Agulayen (4:36.65). 

Hataw din ang Cuyonon sa Takbo event nang dominahin ang men’s at women’s relay.

“Nakita natin yung kanilang dedication to win for their tribes. Kahit nakapaa pa yan ang bibilis tumakbo.Alam kong mas mapapayabong pa natin ang mga talent ng mga ito in the future. Hindi tayo magtatapos dito, next year puwede tayo sigurong mag-organized sa tatlong provinces particularly sa Luzon area,” sambit ni Gaston na nakatuwang dito ang mga kapwa Commissioners na sina Edward Hayco at bowling great Bong Coo.

Nakiisa rin si PSC Chairman Richard Bachmann at Commissioner Walter Torres sa unang araw ng kompetisyon nitong Sabado, gayundin nakipagpulong sila kay Palawan Mayor Lucilo Bayron para mas pagtibayin ang mga program a na nakatuon sa grassroots sports development.

Sinabi ni Gaston, dating PBA star at Commissioner sa rofessional Sports (GAB) na nagkaroon na ng preparatory talks kasama ang mga opisyal ng Lalawigan ng Ilocos Sur sa pangunguna ni Gov. Jeremiah ‘Jerry’ Singson para sa paglulunsad ng IP Ganes sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng PSC national coordinator na si Edwin Llanes, nagsumite na ang lalawigan ng ‘letter of intent’ para mag-host ng IP Games sa susunod na taon habang inihahanda na rin ang pagtuloy na konsultasyon sa mga kinauukulang ahensya hingil dito.

vuukle comment

INDIGENOUS GAMES

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with