One more
Isang bulate na lang ang hindi pumipirma ika nga.
‘Yan ang sitwasyon na kinalalagyan ng Miami Heat matapos sila matalo sa Denver Nuggets kahapon sa Game 4 ng NBA FInals.
Lamang na ang Nuggets ni Nikola Jokic, 3-1.
Papunta pa sa Denver ang serye kaya may homecourt advantage sa Game 5 ang Nuggets sa Martes.
Never pa nag-champion sa NBA ang Denver at first time umabot sa Finals.
Wala sa side ng Miami ang history dahil sa 36 times na may lumamang ng 3-1 sa Finals, minsan pa lang may naka-recover at nag-champion.
‘Yan ang Cleveland Cavaliers ni LeBron James noong 2016 kontra sa Golden State Warriors ni Steph Curry. Down ng 3-1, nanalo pa.
Kaya pa kaya ng Miami?
Ewan ko lang, Actually, sa Miami ako dito sa serye dahil kay coach Erik Spoelstra na may dugong Pinoy.
Pero ibang level ang laro ng Nuggets. Inalat lang talaga noong Game 2 kaya tumabla ang Heat sa 1-1.
Well, bilog ang bola. At kung nagawa na dati, pwede magawa ulit. Pupusta pa ba ako sa Miami Heat?
Paabutin n’yo muna sa Game 7.
- Latest