^

PSN Palaro

Clarkson at Brownlee posible sa 2023 WC?

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Clarkson at Brownlee posible sa 2023 WC?
Justin Brownlee.
Facebook / SBP

PARIS — Ipaglalaban ni PBA chairman Ricky Vargas ang parehong pagla­laro nina Jordan Clarkson at Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas sa parating na 2023 FIBA World Cup.

“It is Clarkson and Brownlee. It is ‘and not or,’ and it’s worth trying,” sabi ni Vargas, isa ring longtime-serving Samahang Basketbol ng Pilipinas official, sa hangarin niyang kapwa makita sina Clarkson at Brownlee na naglalaro para sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Sa pag-apela sa Inter­national Basketball Fe­de­ration, umaasa si Vargas na mapagbibigyan ang Pilipinas bilang FIBAWC23 co-host kasama ang Japan at Indonesia.

Dahil matigas ang FIBA sa kanilang desisyon ukol sa estado ni Clarkson bilang isang naturalized bagama’t mayroon siyang Filipino lineage at hawak na Philippine passport, ilalaban naman ni Vargas si Brownlee.

“He’s played the most part of his professional life in the Philippines. May heritage na, nandito na iyong pamilya n’ya, baka puwede na siyang ma-consider na regular player and not a naturalized,” ani Vargas bago ang planning session ng PBA board of governors dito sa French capital.

Kung aaprubahan ng FIBA ay maaari nang pag­laruin ng Gilas Pilipinas sina Clarkson at Brownlee para sa FIBA showpiece kung saan makakaharap ng Team Philippines ang Angola, the Dominican Republic at Italy sa group play.

Kailangang malakas ang 40th-ranked Nationals sa pagsagupa sa World No. 10 Italy, No. 23 Dominican Republic at No. 41 Angola sa Group A.

Plano ni Gilas coach Chot  Reyes na magkaroon ng mga training camps at mga tuneup matches sa ibang bansa.

Inaayos na ang training camp sa Lithuania at ilang pocket tournament sa US kontra sa mga US NCAA Division 1 teams.

Noong 2014 World Cup sa Seville, Spain ay si Andray Blatche ang natura­lized player ng Gilas na tumalo sa Senegal.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with