Heat tutuluyan ang Celtics sa Game 5
BOSTON — Walang bakas ng pag-aalala sa mukha ni Miami Heat star Jimmy Butler nang pigilan sila ng Celtics sa hangad na 4-0 sweep sa Eastern Conference finals series.
Hawak pa rin kasi ng Miami ang malaking 3-1 lead sa serye laban sa Boston.
“No. If anything, it will build momentum for us knowing that we have to play with a lot more energy,” sabi ni Butler. “We’ve got to play like our backs are against the wall. But I think all year long, we’ve been better when we’ve had to do things the hard way.”
Inagaw ng Celtics ang 116-99 panalo sa Game 4 para maikaiwas sa pagwalis sa kanila ng Heat.
Ngunit sa NBA history ay wala pang koponang nakabangon mula sa 0-3 pagkakalubog at naipanalo ang isang serye.
Ang mananalo sa bakbakan ng Miami at Boston ang lalaban sa Denver Nuggets sa NBA Finals simula sa Hunyo 1.
“We understand the odds are stacked against us, but we’re a team that believes in us no matter what, and we’ve just got to keep going, and all that matters is the next game,” ani Celtics guard Marcus Smart.
Samantala, inaasahan pa ring maglalaro sina Heat guards Gabe Vincent at Kyle Lowry sa kabila ng natamong left ankle sprain at groin injury, ayon sa pagkakasunod sa Game Four.
“Whenever you ask these guys, they are like, ‘Yeah, I’m fine.’ So we’ll see,” wika ni Miami Fil-Amerian head coach Erik Spoelstra.
- Latest