^

PSN Palaro

TNT nauna na sa Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT nauna na sa Finals
Humarurot si Jayson Castro ng TNT Tropang Giga laban kay Mark Barroca ng Magnolia sa Game 6.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dinispatsa ng nagde­depensang TNT Tropang Giga ang Magnolia matapos kunin ang 87-74 panalo sa Game Six ng kanilang semifinals series papasok sa 2022 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Tropang Giga sa 4-2 ang kanilang best-of-seven duel ng Hotshots para umabante sa ikatlong dikit nilang All-Filipino Cup championship appearance.

Pinatumba rin ng TNT ang Magnolia sa best-of-seven championship series ng nasabing torneo noong nakaraang taon sa semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

Nagpasabog si Jayson Castro ng 26 points habang may 15 at tig-14 markers sina Mikey Williams, Glenn Khobuntin at RR Pogoy, ayon sa pagkakasunod.

Nagtala rin si Pogoy ng 5 blocks.

“As a veteran kaila­ngan kong mag-take over kasi may nakikita akong ibinibigay nilang shots sa akin,” wika ni Castro.

Ang krusyal na triple ni Castro sa huling 2:49 minuto ng fourth quarter ang nagbigay sa Tropang Giga ng 80-72 bentahe  habang nagsalpak si Pogoy ng isang fastbreak basket at dalawang foul shots para iwanan ang Hotshots sa 83-72 sa huling 1:53 minuto nito.

Iniskor ni Calvin Abueva ang kabuuan niyang 16 points sa first half sa panig ng Magnolia at hindi na nakaporma sa second half.

Samantala, itinabla ng Meralco sa 3-3 ang kanilang semis duel ng San Miguel matapos itakas ang 96-92 come-from-behind win para makahirit ng ‘winner-take-all’ Game Seven sa Miyerkules.

“I was really determined to win today. Kasi kung matalo kami, uuwi na kami,” sabi ni guard Aaron Black na iniskor ang 11 sa kanyang 17 points sa fourth period para kumpletuhin ang pagbangon ng Bolts mula sa 80-90 agwat sa huling 4:23 minuto ng laro.

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with