^

PSN Palaro

Abueva lilipat sa B.League?

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Abueva lilipat sa B.League?
Calvin Abueva
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaasa ang Magnolia na hindi tototohanin ni small forward Calvin Abueva ang banta niyang paglalaro sa Japan B.League.

Ito ay matapos ipagsi­gawan ni Abueva ang “Japan! Japan! Goodbye PBA” sa kanyang paglabas ng hardcourt matapos patalsikin sa gitna ng fourth quarter dahil sa ikalawang technical foul.

“Nakita naman namin kung paano siya nagbago dito sa team na ito. Kasi ne­ver na siyang nawala, ne­ver na siyang nag-absent,” ani forward Ian Sangalang kay Abueva.

Pinituhan si Abueva ng ikalawa niyang technical matapos banggain si Barangay Ginebra guard Nards Pinto sa 89-84 panalo ng Magnolia sa Phi­lippine Cup noong Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

Handa si “The Beast” na umalis sa Hotshots at maglaro sa B.League kung mapapatunayan na tama ang itinawag sa kanyang foul.

Noong Hunyo ng 2020 ay kinumpirma ng 34-an­yos na si Abueva ang mga offers sa kanya ng ilang Japanese team para lumipat sa B.League.

Sa nasabi ring taon ay binawi ng PBA ang suspensyon sa kanya para sumalang sa Philippine Cup suot ang uniporme ng Phoenix bago kinuha ng Magnolia noong Pebero 2021 sa isang trade.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with