^

PSN Palaro

DeRozan binura ang record ni Chamberlain

Pilipino Star Ngayon
DeRozan binura ang record ni Chamberlain
Nilusutan ni DeMar DeRozan ng Bulls ang mga defenders ng Pacers para sa kanyang basket
STAR/ File

Sa panalo ng Bulls sa Kings

CHICAGO - Humataw si DeMar DeRozan ng 38 points at binasag ang NBA record ni Hall of Famer Wilt Chamberlain sa 125-118 panalo ng Bulls sa Sacramento Kings.

Inagaw ng Chicago (38-21) ang Eastern Confe­rence lead sa Miami Heat (37-21).

Si DeRozan ang na­ging unang player sa NBA history na tumipa ng 35 points o higit pa sa pitong sunod na laro para burahin ang anim na dalawang beses inilista ni Chamberlain noong 1960-61 at 1962-63 seasons.

Ito din ang pang-walong sunod na laro na humataw si DeRozan ng higit sa 30 points na pinakamahabang kinamada ng isang Bulls player matapos si Michael Jordan noong Enero ng 1996.

Nagdagdag si Coby White ng season high 31 markers at kumolekta si Nikola Vucevic ng 21 points at 10 rebounds para sa pang-limang dikit na panalo ng Bulls.

Sa Phoenix, naghulog si Devin Booker ng 24 points kasunod ang 23 markers ni Deandre Ayton sa 124-121 pag-eskapo ng NBA-leading Suns (47-10) sa Houston Rockets (15-41).

Ito ang pang-pitong sunod na arangkada ng Phoenix para patuloy na pamunuan ang NBA at Western Conference.

Sa San Francisco, isinalpak ni Monte Morris ang isang triple sa harap ni Stephen Curry sa pagtunog ng final buzzer sa 117-116 pagtakas ng Denver Nuggets (33-25) sa Golden State Warriors (42-17).

Sa iba pang laro, dinaig ng Los Angeles Lakers ang Utah Jazz, 106-101; binigo ng Atlanta Hawks ang Orlando Magic, 130-109; panalo ang Detroit Pistons sa Boston Celtics, 112-111 at tinalo ng Indiana Pacers ang Washington Wizards, 113-108.

vuukle comment

KINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with