Sage Tolentino mahahasa sa University of Cincinnati
MANILA, Philippines — Dadalhin ni Filipino-American Sage Tolentino ang talento nito sa US-NCAA Division 1 school University of Cincinnati.
Pormal nang inanunsiyo ng Bearcats ang pagpasok ng 7-foot na si Tolentino upang maging bahagi ng basketball program nito.
Excited na si Bearcats head coach Wes Miller na mahawakan si Tolentino na pormal na masisilayan suot ang jersey ng team sa 2022-2023 season ng liga.
“I’m excited about Sage. He’s skilled, long, athletic and has versatility at 7-foot-1 to guard multiple positions. He can step out and shoot the three, and he’s our type of kid,” ani Miller.
Saludo si Miller sa abilidad ni Tolentino na nakitaan nito ng determinasyon at pagsisikap para mas lalong mapaganda ang kanyang basketball skills.
“He’s fun-loving with a great personality, but I love that when he works, he’s very serious about his game. I’m really excited to welcome him to our program,” dagdag ni Miller.
Nagtala si Tolentino ng mga averages na 13.5 points, 8.3 rebounds, at 3.5 blocks para pamunuan ang Maryknoll High School sa back-to-back State Championships sa Hawaii.
Nauna nang nag-commit si Tolentino sa Auburn University noong Oktubre ng nakaraang taon subalit nag-pullout ito noong Hunyo bago tuluyang makapagdesisyon na pumasok sa Cincinnati.
Isa si Tolentino sa mga tinututukan ng SamahangBasketbol ng Pilipinas para maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa mag susunod na international tournaments.
Kasama ni Tolentino sa East West Private si Kai Sotto na nakarakdang maglaro sa Australia National Basketball League para sa Adelaide 36ers.
- Latest