^

PSN Palaro

Hotshots matatag sa itaas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ayaw magpaawat ng mga Hotshots.

Itinala ng Magnolia ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos patumbahin ang Terrafirma, 105-83, para patuloy na solohin ang liderato ng 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumamada si big man Ian Sangalang ng 18 points para pamunuan ang lima pang tumapos sa double figures at ilista ang 4-0 record ng Hotshots.

Nagdagdag si guard Mark Barroca ng 16 mar­kers para sa Magnolia at may 15, 14, 12 at 10 points sina rookie Jerrick Ahanmisi, Calvin Abueva, Jackson Corpuz at Jio Jalalon, ayon sa pagkakasunod.

“It’s all about our defense. Iyon naman pinag-usapan namin, eh,” wika ni Hotshots coach Chito Victolero. “We want to res-pect this team. Last three days iyon lagi teaching ko, mindset. Binibigyan ko ng emphasis iyon. We don’t want na mag-relax kami.”

Nalasap ng Dyip ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan at nakahugot kay Roosevelt Adams ng 25 points kasunod ang 19 markers ni Juami Tiongson.

Nagawa ng Terrafirma na makabangon mula sa 22-point deficit para makalapit sa Magnolia sa 61-69 agwat sa third quarter.

Subalit muling humataw ang Hotshots para magtayo ng 17-point lead sa fourth period patungo sa 103-76 pagbaon sa Dyip.

Sa ikalawang laro, kumolekta si Troy Rosario ng 13 points at 14 rebounds para pamunuan ang TNT Tropang Giga sa 79-69 pagdaig sa Rain or Shine.

Umiskor din si RR Pogoy ng 13 markers ha­bang may 10 points, 5 boards at 2 assists si Glenn Khobuntin para sa 2-0 baraha ng nagbabalik na Tropang Giga na halos dalawang linggong nawala sa aksyon.

Ito ay matapos maglabas ng positive COVID-19 results ang apat nilang players na kaagad inilagay sa isolation at muling isinailalim sa RT-PCR test.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with