^

PSN Palaro

PBA training simula na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA training simula na!
“Our goal is to lead the way and show how sports and safety can go hand in hand. Back to basketball together, leading the way together, staying safe together,” nakapost sa social media account ng Meralco Bolts.
PBA Images

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams bilang paghahanda sa PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Hunyo 15.

Nanguna ang Meralco Bolts sa mga maagang nakapagsimula matapos makumpleto ang lahat ng requirements kabilang na ang importanteng swab test.

Tumulak kahapon ang buong delegasyon ng Bolts sa Laoag, Ilocos Norte para simulan ang 10-day training camp nito.

Nagsasanay ang Meralco sa Laoag Centennial Arena na madalas na ginagamit ng PBA sa mga all-star activities nito.

Magsisilbing tahanan ng delegasyon ang pamosong Fort Ilocandia Resort and Hotel.

“Our goal is to lead the way and show how sports and safety can go hand in hand. Back to basketball together, leading the way together, staying safe together,” nakapost sa social media account ng Meralco Bolts.

Matapos ang 10-day camp sa Laoag, target ng Bolts na lumipat sa Meralco gym sa Ortigas,

Kaya naman sumulat na ang Meralco management sa lokal na pamahalaan ng Pasig para pahintulutan ang training nito sa naturang venue.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makapag-ensayo ang PBA teams sa GCQ at MGCQ areas.

Ibinalik na sa GCQ ang NCR plus bubble kaya’t maaari nang makapag-ensayo ang mga PBA teams dito.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na kailangan lamang ng approval ng local government unit kasama ang pagsunod sa JAO ng GAB, PSC at DOH para masimulan ang ensayo.

Sa kabilang banda, napaulat na nakakuha na ng clearance ang Rain or Shine Elasto Painters at NorthPort Batang Pier sa local government units (LGU) ng Mandaluyong at Cainta.

Sasalang sa ensayo ang Elasto Painters sa Reyes Gym sa Mandaluyong habang sa King’s Landing Gym sa Cainta naman ang Batang Pier.

Karamihan sa mga PBA teams ay tutuloy sa nauna nang planong trai­ning camp sa Batangas City kung saan idaraos ang closed-circuit training sa Batangas City Coliseum, Batangas State University Gym at Lyceum of the Phi­lippines University Batangas Gym.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with