^

PSN Palaro

Marcelo Tropang Giga na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinugot ng Talk ’N Text si Dave Marcelo upang pa­lakasin ang frontline nito sa PBA Season 46 na nakatakdang buksan sa Abril sa isang bubble setup.

Kinumpirma ni Tropang Giga team manager Gabby Cui ang pagpasok ni Marcelo para makatulong ng tropa sa kampanya nito sa Philippine Cup.

Binigyan si Marcelo ng dalawang taong kontrata.

Ang TNT ang ika-anim na koponan ni Marcelo sa PBA.

Kinuha ito ng Barako Bull Energy noong 2012 Rookie Draft.

Nanatili ito sa Barako hanggang 2015 bago na-trade sa Barangay Ginebra Gin Kings mula 2015 hanggang 2017.

Inilipat ito sa Blackwater noong 2017 hanggang 2018 at nai-trade sa NLEX Road Warriors noong 2018.

Noong 2019, naging bahagi ito ng Phoenix Fuel Masters.

Sa huling season ni Marcelo sa Fuel Masters sa Clark bubble, nagtala ito ng averages na 1.7 points, 1.8 rebounds at 0.9 blocks kada laro.

Nauna nang kinuha ng Tropang Giga si forward Glenn Khobuntin.

Makakasama nina Marcelo at Khobuntin sina Poy Erram, Troy Rosario, Jay Washington at Lervin Flores.

vuukle comment

DAVE MARCELO

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with