^

PSN Palaro

PSC naniniwalang magtatagumpay ang ‘Calambubble’ ng 3 national teams

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung nagawa ng Philippine Basketball Association (PBA) ay magagawa rin ng Philippine Sports Commission (PSC) na maging matagumpay ang ‘bubble’ training ng tatlong national teams.

Sinabi ni PSC national training director Marc Velasco na mahigpit nilang ipinatutupad ang health at safety protocols para sa mga national boxers, taekwondo jins at karatekas na nasa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Isinailalim ang 57 athletes, coaches at PSC personnel sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing bago ang kanilang pagpasok sa ‘Calambubble’ para makaiwas sa coronavirus disease (COVID-19).

“In terms of testing, we test them almost every week from the time they enter,”ani Velasco. “Medyo stringent po ‘yung testing.”

Mag-eensayo ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa ‘Calambubble’ para sa mga lalahukang qualifying tournaments ng 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Habang nasa loob ng ‘bubble’ ay kailangang suot ng mga national athletes at coaches ang kanilang mga face masks at face shields maliban lamang sa actual training.

Wala na ring hahanapin ang mga atleta sa loob ng ‘bubble’.

Kung sakali mang magkaroon ng ‘bubble breach’ ay kaagad ipapasok sa isolation ng lima hanggang 10 araw ang nasabing atleta o coach.

Ang magpopositibo naman sa COVID-19 ay direktang dadalhin ng PSC sa quarantine facility alinman sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila o sa Philsports Arena sa Pasig City.

vuukle comment

PBA

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with