^

PSN Palaro

TNT may alas na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT may alas na
Simpleng nag-usap sina TNT Tropang Giga star Ray Ray Parks Jr. at Calvin Abueva ng Phoenix.
STAR/File

MANILA, Philippines — Taliwas sa inaasahan ng mga fans ay walang giriang nangyari sa pagitan nina TNT Tropang Giga star guard Ray Ray Parks Jr. at Phoenix small forward Calvin Abueva.

At sa halip ay puma­gitna ang pagbibida ni Jayson Castro.

Umiskor si Castro ng pito sa kanyang 20 points sa huling minuto ng fourth quarter para tulungan ang Tropang Giga sa 95-92 pagtakas sa Fuel Masters sa  Game One ng kanilang semifinals series sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Nagtala rin ang 34-an­yos na si Castro ng 6 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa 1-0 abante ng TNT Tropang Giga sa kanilang best-of-five semis showdown ng Phoenix.

“We’re glad that Jayson stepped up tonight,” wika ni coach Bong Ravena sa 12-year veteran guard. “His leadership, iyon ang mga kailangan namin kay Jayson eh. Iyong executions, making good decisions. We’re just fortunate na na-shoot niya iyong mga important baskets.”

Anim na minuto lamang naglaro si Fuel Masters top scorer Matthew Wright matapos magkaroon ng sprained right ankle sa first period.

Mula sa 36-37 agwat sa halftime ay bumitaw ang Tropang Giga ng 17-6 atake para itayo ang 54-42 abante sa 5:35 minuto ng third quarter.

Ang three-point play ni Abueva ang nagdikit sa Phoenix sa 86-87 sa huling 1:32 minuto ng final canto bago nagsalpak si Castro ng isang triple at layup para sa 92-88 abante ng TNT Tropang Giga sa natitirang 26.5 segundo.

Ang dalawang free throws ni Castro ang nagbigay sa Tropang Giga ng 95-92 kalamangan sa hu­ling 5.3 segundo habang mintis ang ibinatong tres ni Alex Mallari sa posesyon ng Fuel Masters sa pagtunog ng final buzzer.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

RAY RAY PARKS JR.

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with