Harden, Westbrook bumida
SALT LAKE CITY - Muling gumana ang ‘small ball game’ ng Houston Rockets matapos paluhurin ang Utah Jazz, 120-110, tampok ang pagbibida nina James Harden at Russell Westbrook.
Humataw si Harden ng 38 points at may 34 markers si Westbrook para sa ikatlong sunod na ratsada ng Houston.
Nagsalpak si Harden ng 13-for-23 fieldgoal shooting kasama ang anim na triples habang may 14-for-26 clip si Westbrook para pamunuan ang Houston.
Pinangunahan naman ni Donovan Mitchell ang Jazz mula sa kanyang 31 points kasunod ang 22 markers ni Fil-Am Jordan Clarkson.
Sa Milwaukee, pinataob ng Bucks ang Philadelphia 76ers, 119-98, sa pangunguna ni reigning league MVP Giannis Antetokounmpo.
Kumolekta si Antetokounmpo ng 31 points, 17 rebounds at 8 assists, sa matchup ng Eastern Conference rivals.
Sa pagbandera ni Antetokounmpo ay naipanalo ng Bucks ang 16 sa huli nilang 18 games para sa NBA-best record na 48-8.
Sa Atlanta, humakot si John Collins ng 35 points at 17 rebounds at iniskor ni Trae Young ang 13 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para ihatid ang Hawks sa 111-107 paggupo sa Dallas Mavericks.
- Latest