^

PSN Palaro

Pacquiao bukas ang pintuan kay McGregor

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi isinasara ng Manny Pacquiao camp ang posibleng pagsagupa nito kay Ultimate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor sa isang title fight.

Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, handa ang grupo ni Pacquiao na pag-aralan ang anumang offers na darating maging ang McGregor fight.

“If someone wanted to (fight) the Senator, why not? Conor is a good boxer,” ani Gibbons.

Nilinaw naman ni Gibbons na mas nakatuon ang a­tensiyon ni Pacquiao na makalaban ang pinakamahuhusay na welterweight boxers sa kanyang nakatakdang World Boxing Association (WBA) title defense sa Abril.

“Right now, the Senator is still concentrating on the best 147-pounders in the world.  Just looking for the best business for the Senator,” ani Gibbons.

Wala pang pormal na anunsiyo kung sino ang sunod na makakalaban ni Pacquiao kung saan nangungunang kandidato sina Danny Garcia, Mikey Garcia, Shawn Porter at Errol Spence Jr. – ang apat na matitikas na boksingero sa mundo sa welterweight class.

Ibinunyag ni McGregor na nagkaroon ito ng negosasyon para harapin ang Pinoy champion noong nakaraang taon. Ngunit walang malinaw na sagot si McGregor kung bakit hindi ito natuloy.

“We’re actually close to signing Manny. There was an offer made on that, yeah, just not yet. (It’s going to happen) very much so. I’m going to get a boxing title soon,” ani McGregor.

Umugong ang pangalan ni McGregor nang makaharap nito si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. noong 2017.

Hindi umubra ang lakas ni McGregor nang lasapin nito ang 10th-round technical knockout loss kay Mayweather sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

CONOR MCGREGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with